Hotshots nagwagi, brown gold Speed Hitters giniba ang Gerflor
- BULGAR
- Jul 16, 2023
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports | July 16, 2023

Giniba ng Magnolia Hotshots Timplados ang Rain or Shine E-Painters kagabi, 103-88 sa PBA on Tour na idinaos sa Dumaguete City.
Pinagbidahan ni Jio Jalalon ang kampanya ng Timplados. Samantala, kinumpleto ng Pilipinas ang isang sensational run upang masungkit ang unang gintong medal sa women's 400-meter hurdles event sa 2023 Asian Athletics Championship sa Bangkok, Thailand kagabi.
Samantala, mas pinalakas ng PLDT High Speed Hitters ng kanilang pakikipaglaban para sa semis nang gibain ang Quezon City Gerflor Defenders sa bisa ng 25-18, 25-17, 26-24, habang nailista ng Foton Tornadoes ang pambihirang come-from-behind panalo laban sa Farm Fresh Foxies sa 18-25, 23-25, 31-29, 25-20, 18-16 para sa unang panalo kahapon sa unang dalawang laro sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.
Naging mahusay ang depensang ipinakita ni floor defender Kath Arado nang maglista ng double-double pigura sa 20 excellent digs at 11 excellent receptions upang tumabla sa 2-1 kartada kasama ang Chery Tiggo Crossovers na makakaharap sa huling araw ng eliminasyon sa Martes para sa isa sa dalawang puwesto patungong semis.
Nanguna sa puntusan sina Fiola Ceballos sa 13 puntos na galing lahat sa atake, kasama ang tig-9 na digs at receptions na sinegundahan ni middle blocker Dell Palomata sa 12pts mula sa 9 na atake, 2 blocks at isang ace, gayundin ang lahat ng 11 puntos galing kay Michelle Morente at Honey Royce Tubino sa 10pts. Namahagi ng 16 excellent sets si Rhea Dimaculangan kasama ang 2 puntos, habang may tatlo lang ang kababalik lang na si Mika Reyes.
“Tuwang-tuwa kami kasi hindi naman kami napanghinaan ng loob kahit ‘yung nangyari noong last game. Motivated pa rin ‘yung mga players, lalo na ako, after noong nangyaring injury kay ate Jovy Prado,” pahayag ni Arado, patungkol sa injury na nakuha ni Prado sa huling laban kontra Creamline Cool Smashers. “Grabe kasi ‘yung motivation ni ate [Jovy] kahit nasa labas siya. Gina-guide niya pa rin ako, gina-guide niya ‘yung bawat isa kaya parang hindi siya nawawala sa loob ng court.”








Comments