Hotshots, nagpatibay pa Car Makers, pinasadahan
ni Clyde Mariano @Sports | July 27, 2023

Tinuldukan ng Magnolia Hotshots ang maningning na tune-up games nang talunin ang Terrafirma Dyip, 106-92 at tinapos ang dalawang buwang competition na walang mantsa ang kartadang 11-0 sa PBA Preseason on Tour sa Ynares Center sa Pasig City.
Hindi madali ang panalo ng Hotshots hindi tulad sa una nilang sampung sunod na panalo. Kailangan gamitin nila ang buong puwersa at talunin ang nagmamatigas na Car Makers.
Tatlong beses na lumamang ang Terrafirma at ang huli, 65-63, sa dalawang free throws ni Juami Tiongson matapos ang dalawang deadlocked bago nabawi ng Magnolia ang pamumuno, 68-67, sa shot J. Eriubo at umiskor uli ng tres tungo sa, 72-69, third quarter lead.
Sa hangad na manalo sa lahat nilang laro, kinontrol ng Magnolia ang huling yugto ng laro at tapusin ang kanilang tune up games sa kartadang 11-0 at paghandaan ang Commissioner’s Cup na gagawin sa October matapos ang FIBA Basketball World Cup at Asian Games.
Nagpabaya at minaliit ng Magnolia ang Terrafirma kaya nakalamang ang Car Makers.
Mabuti na lang nakabawi at na-outgunned ng Hotshots ang Car Makers sa last quarter at napanatili ang walang mantsang record at paghahari sa Terrafirma.
“Nag-relax at niluwagan ang depensa. Pinagsabihan ko sila maglaro nang husto kung gusto nilang manalo. Yan ang kanilang ginawa,” sabi ni coach Chito Victolero.
Kinuha nina James Laput at J. Eriubo ang scoring job kina Paul Lee, Marc Andy Barroca at Calvin Abueva para dalhin sa panalo ang Magnolia sa huli nilang laro.
Kumolekta si Laput ng 16 points at 11 rebounds at si Eriubo ng 14 points at nag-ambag si Rome de la Rosa ng nine points at si Russel Escoto ng eight markers.
Magwawakas ang dalawang tuneup games sa July 30 at maghaharap ang Talk ‘N Text at Blackwater ng 5 pm maging ang Barangay Ginebra at NLEX ng 7:30 pm sa Ynares Center, Pasig City.





Comments