top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Hotshots, inaspalto ang NLEX, LA Tenorio, balik laro sa PBA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
2 min read

ni Clyde Mariano @Sports | June 4, 2023




Binigyang kasiyahan ni coach Chito Victolero ang kanyang mga kababayan sa Bulacan at tinalo ng Magnolia ang NLEX, 103-97 sa PBA Preseason na unang nilaro sa Baliwag, Bulacan.


Mataas ang morale sa panalo sa Converge, 99-95, at ayaw ipahiya si Victolero sa kanyang mga kababayan, kinontrol ng Hotshots ang laro at iposte ang pangalawang sunod na panalo at umabante sa unahan ng team standings sa kartada 2-0.


Lumamang ang Magnolia, 70-61, tatlong minuto ang natitira sa third period, at hindi na binitawan ang pamumuno at kunin ang pangalawang sunod na panalo at ipalasap sa mabagal tumakbong Road Warriors ang pangatlong sunod na kabiguan.


Sa panalo napanatili ng Magnolia ang kanilang paghahari si NLEX na tinalo nila 119-103, sa Governors Cup. “We played well both offensively and defensively. It’s pretty good we sustained the game all throughout,” sabi ng 46-years old Bulakenyo na taga-Santa Maria.


Pinilit lumaban ng NLEX at putulin ang dalawang sunod na talo. Subalit nabigo ang Road Warriors lampasan ang Hotshots sa lungkot ni coach Frankie Lim. Nagtulong-tulong sina James Laput, Paul Lee, Rome de la Rosa, at Andy Marc Barroca sa pagdiskarel ng Magnolia sa NLEX.


Samantala, kahit nagpapagamot pa sa sakit na kanser ni LA Tenorio, (nagpupunta kada dalawang linggo sa Singapore para sa chemotherapy), ay may panahon pa rin ang Ginebra San Miguel guard para sa ibang proyekto maliban sa basketball.


“Talagang hinahanap ng katawan ko ang paglalaro. Noong umabot nga kami sa finals last time ay talagang gustong gusto kong makatulong sa team. Awa ng Diyos ay makakabalik ako sa October pero importante na tapos na ang gamutan at kailangan ko ulit na magpakundisyon dahil kailangan ay ready ako pag pwede na maglaro at makatulong talaga sa team,” wika ni LA.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page