top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Hotshots, dinispatsa ang Aces

BULGAR
Mar 7, 2022
2 min read

ni Gerard Arce - @Sports | March 7, 2022




Sinimot ng husto ng Magnolia Pambansang Manok Hotshots ang sustansya Alaska Aces sa huling laro nito sa elimination round sa pamamagitan ng 118-91 dominasyon kahapon sa nalalapit na pagtuntong ng quarterfinals ng 2021 Honda PBA Governors Cup sa Smart Araneta Colsieum.


Ipanalasap ng Magnolia Hotshots ang kanilang tikas at lakas sa komperensiya upang masiguro ang top spot sa pagtatapos ng elimination round, matapos silang pamunuan ni reinforced import Mike Harris na bumirada ng 38pts, 10 rebounds habang naging malaking tulong ang kontribusyon ng bench players na nagbigay ng 59 puntos sa pangunguna ni Ian Sangalang na may 14pts, Jio Jalalon sa 12pts at 11 assists, Jackson Corpuz (12pts), Russel Escoto (8pts) at Adrien Wong (7pts).

“This is a big game for us, because we believe that there is no such thing as no bearing, our mindset kung anong gagawin namin ngayon, we try to focus the game at hand. Try to get the momentum that we want going into the playoffs,” pahayag ni Magnolia coach Chito Victolero sa post-press conference na pinuri ang 38-anyos NBA undrafted na naglaro rin noong 2018 sa Alaska. “Si Mike isa siya sa nagbibigay ng motivation, bukod sa binibigay niyang talent at leadership, binibigyan niya rin kami ng motivational words, para yung teammates niya maglaro ng maayos at 100%. He’s a leader at nakakuha ako ng bagay na bagay sa team namin.”

Mayroon na lang natitirang isang laro ang Magnolia (9-1) kontra sa wala pa ring panalong Blackwater Bossing sa darating na Miyerkules, habang nagtapos na ang mga laro ng Alaska sa elimination round sa 6-5 kartada at naghihintay ng quotient ng ibang mga koponang naghahabol pa na makapasok sa playoffs gaya ng TNT Tropang Giga, Brgy. Ginebra, Phoenix Super LPG at Northport Batang Pier.

Apat na manlalaro ang kumana ng double figure scoring para sa Alaska na binubuo nina RK Ilagan (14pts), Maverick Ahanmisi (12pts), Olu Asaholu (12pts at 10rebs) at Allyn Bulanadi (11pts).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page