Hotel sa Somalia, inatake, 3 patay
- BULGAR
- Mar 16, 2024
- 1 min read
ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 16, 2024

Namatay ang tatlong katao at 27 naman ang nasaktan sa pag-atake ng mga terorista sa isang hotel malapit sa palasyo ng presidente ng Somalia, ayon sa Somalia National Television (SNTV).
Limang armadong lalaki ang sumalakay sa SYL Hotel sa kabisera ng Mogadishu noong Huwebes ng gabi. Ayon sa mga pulis ng Somalia, napatay ng mga pwersa ng seguridad ang limang terorista.
Kinilala sa SNTV na mga sundalo ang tatlong namatay sa sagupaan. Dagdag pa, inilikas mula sa hotel ang marami pang ibang tao, kasama na ang mga opisyal ng pamahalaan.
Napag-alaman ding mula sa teroristang grupo na Al-Shabaab ang mga umatake, ayon kay Somali police spokesman Colonel Qasim Ahmed Roble








Comments