Hotel binayaran, pumarty sa Makati… ‘Poblacion girl’ na nagkalat daw ng Omicron, trending sa socmed
- BULGAR

- Dec 30, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | December 30, 2021

Trending ngayon sa social media ang isang babaeng nagngangalang Gwyneth Chua matapos umanong lumabag sa quarantine protocols.
Ayon sa social media posts, galing si Chua sa ibang bansa at nang dumating sa Pilipinas ay nagbayad umano sa hotel facility upang payagang makalabas at hindi na mag-quarantine pa.
Ang ikinababahala ng netizens ay positibo umano ito sa Omicron variant ngunit dumalo pa ito ng party sa Poblacion, Makati kung saan nakahawa ito ng nasa 12 indibidwal.
Nakarating umano sa Department of Health (DOH) ang insidenteng ito at ayon sa ahensiya, iniimbestigahan pa ang kaso at nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang maberipika ang pangyayari.
“The DOH is aware of a circulating social media post about an alleged individual who violated quarantine protocols. We are still investigating the case and coordinating with concerned offices to further determine the veracity of the claims in the said post,” pahayag ng DOH.
Sa ngayon ay patuloy na kumakalat ang usaping ito sa social media.








Comments