'Hot meat' nakumpiska sa Pampanga
- BULGAR

- Sep 18, 2023
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | September 18, 2023

Nasamsam ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang mahigit 500 kilo ng hot meat products sa Clark City, Angeles, Pampanga na kinabibilangan ng peking duck at black chicken.
Ang pagsalakay ay ginawa ng joint special task force mula sa Department of Agriculture, Clark Development Corporation at NMIS upang masigurong hindi kakalat sa pamilihan ang mga karne na posibleng kontaminado o banned na mga produkto.
Isinaalang-alang din ng task force ang kaligtasan ng publiko laban sa mga imported na karne na hindi sumunod sa safety regulations.
Hindi naman tinukoy ng NMIS ang pagkakilanlan sa exporter o consignee ng mga nasamsam na hot meat.
Ang nakumpiskang 530.39 kilo ng hot meat ay dinala at itinapon na sa rendering facility sa Sta. Maria, Bulacan.





Comments