top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horror movie, malamya at wa’ dating… NETIZENS KAY XIAN: ‘WAG KA NANG MAGDIREK, MAGPINTA KA NA LANG

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 5, 2024
3 min read

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | July 2, 2024



Showbiz news


Ilang araw nang tapos ang ginanap na premiere night ng pelikulang idinirek ni Xian Lim na Kuman Thong na kinunan sa Thailand ay mainit pa ring pinag-uusapan ang kanyang OOTD (outfit of the day) nu’ng gabing ‘yun. 


Hindi raw pala bagay sa aktor/direktor ang palda dahil awkward tingnan kung ikukumpara kay Vhong Navarro, na kahit naka-palda ay manly pa rin ang dating.


“Gustong magpapansin, ayan napansin naman, agaw-pansin nga, mas pinag-uusapan pa si Xian kaysa sa pelikula n’yang ginawa,” sey ng isang netizen.


Sey naman mismo ng kasama sa production, “Bakit kaya s’ya pinayagang magdirek? Nakakahinayang, okey lang sana, hindi lang siya talaga marunong.  Masyadong malamya ang pelikula, nakakatakot dapat, bakit ganu’n?”


May nagsabi rin na kasama sa pelikula at premyado ito na hindi raw alam ni Direk Xian ang gagawin, “Gusto na ng ano (kasama sa pelikula), siya ang magtuloy magdirek nu’ng eksena, bagal na bagal at hindi maitawid pati ‘yung mga gustong shots.”


Sabi namin ay baka naman co-producer si Xian sa pelikulang idinirek niya, hindi niya kinuha ang talent fee niya as director, isinosyo niya, kasi passion niya ang magdirek.


“Eh, sayang ang panahon, sayang ang gastos, sa ibang bansa pa kinunan, malaking halaga rin ‘yun,” katwiran ng kausap namin.


Dagdag pa niya, “Mag-vlog na lang s’ya, lahat ng ganap n’ya, i-video n’ya, mas click pa. Hindi na s’ya kagalingan umarte, kaya nagdidirek, eh, waley naman.”


Hirit namin na magaling magpinta si Xian kaya sure kaming magaganda ang paintings niya base sa mga ipinost niya nu’ng may exhibit siya.


“Oh, ‘yun, magpinta na lang s’ya, du’n s’ya sa nag-e-excel s’ya, huwag n’yang ipilit ang hindi n’ya linya,” katwiran sa amin.


Masama bang mag-try? Ang dami rin namang baguhang direktor na sa simula ay nilalait pero nang magkaroon na ng kumitang pelikula ay bumango na ang pangalan.



AKTRES NA BIDA SA MOVIE, BIGLANG AYAW NA LANG MAG-SHOOTING, 3 YRS. BAGO NATAPOS, PRODU NADALA NA


Showbiz news

BLIND ITEM:  

Ayaw nang kunin ng producer ang serbisyo ng sikat na aktres dahil ang huling project nila ay inabot ng tatlong taon bago natapos.


Siyempre, nagulat kami, bakit tatlong taon, inabutan ba ito ng COVID 19 pandemic?

“Hindi! Matagal pa bago nag-pandemic, bigla na lang nagsabi na ayaw na niya (sikat na aktres) mag-shoot!” diing sabi sa amin.


Tanong namin kaagad sa kausap namin ay, “Ay, bakit, may segue-segue?”

“Hindi, basta ayaw na lang niyang mag-shoot, break daw muna, puwede ba ‘yun? May hinahabol na deadline, tapos sasabihin break? Isasali sana sa MMFF, hindi na umabot, eh, di paso na,” pagtatapat ng aming kausap.


Isinumite raw ang script sa Metro Manila Film Festival pero dahil gusto munang mag-break ng sikat na aktres kaya hindi natapos.


Walang binanggit sa amin kung nagbayad ng penalty ang producer sa MMFF dahil sa kagagawan ng sikat na aktres. 


Ganu’n kasi ang patakaran ng MMFF na kapag nag-submit ng script, dapat sundin kung ano ang kuwento at sino ang mga bida sa finish film.


“Ang hirap niyang ka-work, ang ganda ng ngiti pati pakikisama ng lahat, iba naman ang sinasabi sa talikuran,” giit pa ng aming kausap.


Good thing ang co-actors daw ng sikat na aktres ay mababait at inintindi na lang daw siya at tumanggap na lang ng ibang projects.


“‘Yung dalawang co-actors n’ya, naka-tig 3 projects pa sa tatlong taong pagkakahinto, kaya hindi na rin sila nagalit kasi nakaraket sila, pero kung sila ay walang projects at naghintay lang, for sure, galit sila,” tsika pa sa amin.


At higit sa lahat, “Ayaw n’ya ng natatabunan s’ya sa mga eksena, dapat lagi s’yang angat.”

Sagot namin ay, “Eh, bida kasi kaya dapat lang mas angat s’ya sa mga kasama n’ya.”


“Huy, magka-level sila, pero nagbigay ‘yung isa,” giit sa amin.


Balik-tanong namin kung kumita ang pelikula para sana na-compensate ang pagkakatengga ng dalawang taong mahigit.


“Slight, nabawi ang nagastos, pero kung walang ibang projects ‘yung mga co-actors at ang production people, lugi talaga, ang tagal natengga, eh,” kuwento sa amin.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page