Horoscope | Setyembre 9, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 9, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 9, 2022 (Biyernes): Ipinanganak ka para sa malalaking bagay at hindi ka para sa maliliit na pangarap lamang. Mas malalaki ang ambisyon, mas makakabuti para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang marami pang mga darating na araw ay para rin sa iyo. Sa mga panahong ito, puwedeng mapaunlad mo ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-20-23-28-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simpleng-simple lang ang paraan para ikaw ay buwenasin ngayon at ito ay nagsasabing, isayad mo ang mga paa mo sa lupa. Kaya lumakad ka nang walang sapin sa paa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-24-26-28-30.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pakinggan ang mga kontrabida. Hayaan mo lang sila na makita kang umaabante habang ginagawa mo ang mga bagay na kinokontra nila. Gayunman, sila ay mabibigo sa buhay habang ikaw naman ay patuloy sa pagtatagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-27-29-31-37.
CANCER (June 21-July 22) - Maiisahan ka dahil sa kabaitan mo, pero kikilos ang kapalaran mo at doble-doble ang magagandang kapalaran na guguhit sa iyong buhay. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-22-24-33-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Alam mo, kaya marami ang naiinggit sa iyo ngayon ay dahil ang mga hindi nila kaya ay makakaya mo. Gayundin, ang buhay nila ay hindi gumanda at ang sa iyo ay papaganda nang papaganda. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-15-29-32-37-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kaya mabibigat ang hamon ng kapalaran na napasasaiyo ngayon ay dahil mabibigat at malalaki rin ang mga suwerteng lalapag sa harapan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-22-33-38-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang mangyayari sa iyo ngayon. Bibiruin ka ng kapalaran, kaya magtatampo ka sa langit. Pero sa isang iglap, magpapasalamat ka dahil susuwertehin ka pala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-24-26-30-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bakit ka nalilito? Ang mga taong inilapit sa iyo ng langit ay para matulungan ka, kahit ang ilan sa kanila ay hindi mo gusto ang mga kilos at pananalita. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-18-28-33-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagyayabang ang tao kapag siya ay nasa itaas. Ito ang ‘wag mong gagawin at ito ang iyong iwasan dahil ngayon ay itataas ka ng iyong kapalaran kung saan titingalain ka ng marami. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-21-22-25-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malalaking gantinpala mula sa langit ang mapasasaiyo. Ito ay dahil sa pagsasakrisyo mo sa nakaraang taon. Ibahagi mo sa mga kapos-palad ang ilang biyaya na natanggap mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-9-14-16-29-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang sinasakyan, ito ang magdadala sa gustong marating. Sakyan mo ang iyong magagandang katangian para maabot mo ang tagumpay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-21-27-32-38-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tulad ng sinag ng araw, sisilip sa iyo ang magandang kapalaran. At tulad ng sinag ng Haring Araw na tumatalo sa madilim na ulap, sa susunod na mga araw, ang buhay mo ay magliliwanag. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-17-20-23-39-41.




Comments