Horoscope | Setyembre 5, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 5, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 5, 2022 (Lunes): Taglay mo ang kakayahan sa pagpaparami. Kaya kung gugustuhin mo, dadami ang iyong kabuhayan, kaya masasabing wala kang dahilan para manatili sa kahirapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ikaw mismo ay magugulat sa iyong sarili dahil ang pag-aalinlangan ay biglang mawawala sa iyo at kikilos ka nang may tiwala sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-20-29-30-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mararamdaman mo na ang mga suwerte ay nagdaratingan na sa buhay mo. Ang mga kaganapan ay masasaksihan ng iyong mga mata na pabor sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-25-28-30-31-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon ka na kumilos para mas asensado ang buhay mo. Mismong langit ang lalagay sa iyong harapan, kaya mabilis mong magagawa ang mga kagustuhan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-13-25-39-40-43.
CANCER (June 21-July 22) - Ipakita mo ang iyong mga natatagong galing. Ang mga ito ang magbibigay sa iyo ng nakakamangha at magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-18-25-27-35-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka. Ito ang katotohanan dahil kahit inaakala mo na ikaw ay mahina, ang alam pa rin ng mga nakakakilala sa iyo ay mahirap kang matalo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-22-23-39-40-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag dumating ang mga suwerte, minsan ay natatapat sa pagbuhos ng malakas na ulan. Ito mismo ang iyong mararansan. Mas magandang pahalagahan mo ang mga suwerteng ito. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-19-27-38-41-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Tapos na ang sinasabi na kapag malilit ang kumot, matutong mamaluktot. Ayon sa kapalaran, ang mga suwerte mo ay magdadagsaan at sobra pa sa mga pangangailangan mo ang mga ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-16-22-38-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagbabago ang takbo ng buhay, iba sa inaasahan ng tao. Sa pagbabago ng kapalaran mo, ang mga akala mo na mahihirapan ka ay mas madali mong magagawa. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-24-33-35-39.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nag-aabang sa iyo ang pag-angat mo. Ito ay mapasasaiyo kapag tuloy-tuloy mong ginagawa ang mga bagay na sa iba ay tila imposible o mahirap na mangyari. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-29-30-33-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi makakasingit ang mga lihim mong kaaway. Maiiwanan sila ng mga pangyayaring mabilis na magbibigay sa iyo ng magandang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-11-17-29-30-31.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagbabalik ang araw na dahil sa pagkabigla mo, ikaw ay binuwenas. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-7-18-25-28-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nasa larangan ng negosyo ang mga suwerte mo. Kaya tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan at makakaasa ka na aangat ang iyong kabuhayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-26-27-37-40-45.




Comments