top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 4, 2022 (Linggo)

BULGAR
Sep 4, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 4, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 4, 2022 (Linggo): Bilangin mo ang magagandang bagay na kaloob sa iyo ng langit. Makikita mo na sobra-sobra ang mga dumating at higit ito sa iyong inaasahan. Ngayon, nadadama mong may mga paparating pa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hayaan mo lang ang mga kontrabida dahil nakahanda na ang mga mangyayari. Langit mismo ang nagplano nito, kung saan ikaw ay patuloy na susuwertehin, habang ang mga kumokontra sa iyo ay aani ng mga kamalasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-23-28-30-34-38.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maisisingit ang gusto mo sa pamamagitan ng pagkukunwaring kakampi ka at inaayunan mo ang isang sobrang makulit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-15-21-25-37.

GEMINI (May 21-June 20) - Mahirap paniwalaan na kung kailan hindi ka kumilos, saka ka binubuwenas. Ibig sabihin, sagabal ang iyong pagkilos para makadapo sa iyo ang suwerte. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-15-22-28-39-42.

CANCER (June 21-July 22) - Iwasan mong maging emosyonal dahil hindi nakikita ng mga taong emosyonal ang mga oportunidad na nasa kanyang harapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-26-30-32-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Lalong nanggigigil ang taong naiinis kapag walang kibo ang kanyang inaaway. Ito ang gawin mo, huwag kang kumibo at manahimik ka lang. Sa ganitong paraan, para ka ring nakabawi sa kanya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-16-18-23-36-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Panoorin mo lang ang hindi magkaintindihan at huwag mo silang layuan. Magugulat ka dahil ang mga suwerte na nasa kanila ay magsisilipat sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-2-7-11-16-23-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi nilalabanan ang mas malakas. Mas maganda kung siya ay papakitaan mo ng kabutihan. Sa ganu’ng paraan, ikaw na mahina ay lalakas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-18-21-20-24-31.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag ang aktibidad mo ngayon. Samantalahin mo ito para pag-aralan ang takbo ng iyong pinagkakakitaan. Marami kang matututunan na magagamit mo sa ibang araw, lalo na sa pag-ibig at pagpapayaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-20-21-24-37.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, du’n ka. Iwasan mo rin ang taong sa tingin mo ay napakahirap kausap dahil wala kang mapapala sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-22-25-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maghanap ka ng paraan para magawa mo ang iyong gusto. Hindi ka naman mahihirapang maghanap dahil may mga nakabukas na pintuan ng tagumpay para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-19-28-29-33-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Dadalawin ka ng mga suwerte na kapag sininop mo ay malalaki at magagandang kapalaran ang makakatumbas. Upang lalong madagdagan ang mga suwerte, palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-13-24-26-30-32-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ihanda mo ang iyong kalusugan at sarili. Sapagkat isinusulat na ngayon ang positibong plano para sa iyong kabuhayan. Dagdag na oportunidad ng pagkakakitaan ang darating at kasabay nito ang mga biyayang may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-18-20-24-28-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page