Horoscope | Setyembre 28, 2026 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 28, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 28, 2026 (Lunes): Hinahamon ka ng kapalaran na maging mapagbigay. Ngayong kaarawan mo, mamigay ka ng pagkain upang magtuluy-tuloy ang dating ng suwerte at magandang kapalaran mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kikilos ang langit para pagaanin ang iyong mga pasanin. Kaya lagi kang magpasalamat upang lalo pang yumabong at dumami ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-3-18-28-30-33-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi naman mahirap na magkaroon ng sigla ang iyong buhay. Simpleng makipagkuwentuhan ka lang sa mga taong masayang umaasenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-19-25-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdag-kilos lang naman ang kailangan mo upang mamunga ka ng dagdag-kita. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-15-24-28-35-43.
CANCER (June 21-July 22) - Magbilang ka! Ngayon ang panahon para bilangin ang mga napasaiyo. Sa huli, matutuklasan mo na mas matimbang ang mga biyayang sumasaiyo kaysa sa mga reklamo mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-16-22-31-38-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong papasukin sa isip mo ang mga negatibong pananaw. Mas magandang balik-balikan ang mga masasayang karanasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-23-29-37-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Talas ng isip ang gamitin mo ngayon. Huwag kang pumayag na ang kawalang-usad o kawalang-pag-unlad ang iyong maranasan. Sa talas ng iyong isip, mabilis na gagalaw ang iyong buhay upang lalo mo pa itong mapaunlad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-14-24-36-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Namamahinga rin sa pag-ikot ang gulong ng kapalaran para mas magkaroon ng malakas na buwelo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-15-21-32-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ka dapat magmukmok sa panahon ng katumalan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-10-18-28-33-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bumabagsak ang sobrang mapagmataas. Ito mismo ang iyong masasaksihan at tatatak sa iyong alaala upang hindi mo maranasan ang nasabing mapait na kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-16-19-27-29-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran ang magagandang kapalaran. Kaya magpatuloy ka sa dati mo nang nilalakaran at ginagawa. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-20-25-36-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bilis ang iyong kailangan. Ito ang sikreto ng kapalaran mo upang hindi ka masingitan ng mga negatibong puwersa. Ang pagiging makupad ay hindi makabubuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-18-27-30-35-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iaangat ka ng isang tao upang maabot mo ang pangarap mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-21-26-28-45.



Comments