top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 30, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Sep 30, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 30, 2022 (Biyernes): Hindi ka para sa mababa. Sa hanapbuhay, negosyo at sa mismong buhay, ikaw ay angat na dahil ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Itulak mo pa ang iyong sarili sa mas mataas na kalagayan. Makakaasa ka na ayon sa iyo, mismong langit ang kikilos at ilalagay sa ibaba ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-24-29-30-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumayo ka sa alam mong hihilain ka lang pababa. Mas maganda na nag-iisa ka lang kaysa naman may kasama ka nga, pero argabiyado ka naman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-21-28-30-31-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Mauubos ang mga suwerte ng iyong karibal, pero ang sa iyo ay parami nang parami. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas upang magtuloy-tuloy ang pagdating at pagbuhos ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-28-39-40-41.

CANCER (June 21-July 22) - Magmumula sa mga angat sa buhay ang magagandang kapalaran mo. Ingatan mong mahulog ang iyong loob dahil pansamantala lang sila hanggang sa matupad ang letra ng mga hulang ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-14-15-25-38.

LEO (July 23-Aug. 22) - Bumaba ka at itataas ka. Lumagay sa hulihan at ilalagay ka sa unahan. Gawin mo dahil ito ang sikreto ng kapalaran mo sa araw na ito. Muli, gawin mo kahit nag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-18-22-26-27-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamili ka sa napakaraming ideya na labas-pasok sa isip mo. Ang totoo, kahit isa lang sa mga ito ay sobra pa sa sapat para matupad ang malalaking pangarap mo sa buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-14-21-25-27-36-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Samahan mo ng positibong pananaw ang mga nangyayari sa iyo na mga bagong kapalaran. Hindi ka mabibigo dahil inaalalayan ng langit ang mga taong positibo sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-27-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napansin mo ba kung ano ang gusto mo na nilakipan mo ng pagkilos ay agad mong nakukuha? Ngayong alam mo na, dapat palaging ganu’n ang gawin mo sa buhay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-18-22-25-27-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang araw mo. May kani-kanyang araw ang bawat tao. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin at ito ay tiyak na ipagkakaloob sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-20-23-27-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang nangyayari sa iyo, lumalakas ang iyong loob, pero nanghihina rin. Sa ganitong kalagayan, padadalhan ka ng suwerte ng langit at ikaw ay sobrang matutuwa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-21-25-26-29-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magugulat kung makaranas ng paglipad ang ilang mga pangarap mo, kumbaga, ang mga ito ay nawala sa iyo. Ito ay pagbabawas sa walang katuturang mga gusto mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-11-17-19-21-34.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nawalan ka sa araw na ito, magbawas ka. Ito ang sikreto ng kapalaran mo na ang resulta ay ang mabilis na pagdapo sa iyo ng mga bagong suwerte at mas magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-25-26-30-31-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page