Horoscope | Setyembre 3, 2026 (Huwebes)
- BULGAR

- 4 hours ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 3, 2026

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 3, 2026 (Huwebes): Tiyak na mapapasaiyo ngayon ang kaligayahan at pag-unlad. Ito ang regalo ng langit dahil sa kabutihan mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo puwedeng ihinto ang pagkilos para lang sa iyong pangarap. Mas mahalaga ang tuluy-tuloy na pagkilos kahit pa dumaraan ka sa mabibigat na mga pagsubok. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-14-20-33-36-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasayahin mo ngayon ang iyong sarili. Sa buhay ng tao, hindi maganda kung hindi nagsasaya kahit paminsan-minsan lamang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-15-21-28-30-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Hinihintay ka na ng mga suwerte mo. Kaya huwag mo munang isipin ang mga bagay na wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-16-22-25-37-40.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda ang anumang sobra. Sa ngayon, mukhang nasobrahan ang pagpapakita mo ng pagtingin sa isang tao na noon pa man ay bahagi na ng buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-17-26-34-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kailangan ng maraming kaibigan para sumaya ka. Sapat nang makasama mo ang ilan sa dati nang nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-12-18-29-32-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paramihin mo ang nasa iyo na. Magugulat ka, dahil sobrang bilis ng iyong magiging pag-asenso. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-24-27-38-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ilabas mo ang tunay mong kakayahan. Hindi makabubuti sa iyo kung mananatiling nakatago ang ilang magagandang katangian mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-13-20-33-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahinga ang kailangan mo ngayon. Huwag mo munang tutukan ang mabibigat na trabaho na nakakagulo sa isip mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-14-21-26-30-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Gamitin mo ang galing mo sa pagtutuos upang hindi ka malugi. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-25-28-31-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi masama ang gumaya. Ang masama ay ang hindi mo gagayahin ang nakikita mong nagpapaganda sa buhay ng mga kakilala mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-1-11-19-22-29-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung ano ang bago, dapat mayroon ka. Pero hindi mo dapat pahirapan ang sarili mo para lang magkaroon ng mga bagong bagay. Ito ang tandaan mo. Masuwerteng kulay-magenta. Tips sa lotto-2-10-17-27-36-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtanong ka muna sa mga may alam na. Hindi maganda sa tao ang nagdunung-dunungan para lang masabi na mas angat siya kaysa sa iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-14-18-28-34-42.



Comments