top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 3, 2022 (Sabado)

BULGAR
Sep 3, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 3, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 3, 2022 (Sabado): Tumataas ang nasa ibaba, kaya magsimula ka sa ibaba. Ito ang payo ng iyong kapalaran nang sa gayun ay maabot mo ang pinakamataas na puwesto at tagumpay.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bagong-bago na ang takbo ng panahon ngayon, kaya lang, ikaw ay pinapayuhan na sundin pa rin ang mga lumang tradisyon at paraan. Ito ang susi mo sa kaunlaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-23-24-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa mga angat sa buhay at ikaw ay aangat din. Huwag kang dumikit sa mga walang pangarap dahil mahahawa ka at baka hindi ka na umasenso pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-20-21-25-34-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Pabalik-balik lang ang mga pangyayari. Tulad ngayon, magbabalik ang mga araw na magdadagsaan ang mga suwerte mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-23-37-40-42.

CANCER (June 21-July 22) - Kakaiba ka sa lahat. Mas mapapansin ka at kitang-kita ngayon ang iyong tagong ganda. Isang magandang pangyayari ito sa buhay mo na may koneksyon sa iyong hinaharap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-19-25-28-37-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Pakitaan mo ng maganda ang alam mong naiinis sa iyo. Magugulat ka dahil ang mga suwerte niya ay mahimalang mapupunta sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-16-18-22-30-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Noon, ang sabi, ang dumikit sa palayok ay mauulingan. Ngayon, ang sasabihin ng mga nasa paligid mo ay ‘pag dumikit ka sa maganda ang buhay, gaganda rin ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-21-28-39-40-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nalalagas ang mga lumang dahon para mapanatili ang ganda ng halaman. Malalagas at mawawala rin ngayon ang ilang kaibigan mo na nakakasira sa tingin sa iyo ng mga tao. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-24-25-35-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang lakas ng katawan mo ngayon. Kung gagamitin mo ito sa pagsisikap para madagdagan ang iyong kabuhayan, matutuwa sa iyo ang langit dahil hindi ito nasayang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-18-20-23-37-40.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na bubuksan ng nasa itaas ang bintana ng langit para sa iyo. Humiling ka at tiyak na ito ay matutupad. Pagkatapos mong humiling, magugulat ka pa dahil bubuhos sa harapan mo ang iba’t ibang uri ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-9-12-25-31-32.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Maaliwalas ang kalangitan ngayon kahit nakakasingit ang makakapal na ulap. Ang buhay mo ay ganu’n— may makakasingit din na mga problema, ngunit pansamantala lamang ang mga ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-13-26-27-38-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Napansin mo ba na masaya ang mga ibon? Mahirap paniwalaan, pero puwedeng hindi mo paniwalaan na kaya sila masaya ay dahil may bago silang pag-ibig. Ikaw ay ganundin ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-28-30-31-36.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masarap lumangoy sa agos ng tubig. Ikaw ay pinapayuhan na magpatangay lang sa agos ng kapalaran. Kapag ginawa mo ito, masusumpungan mo ang iyong sarili na yakap ang iyong mga suwerte at pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-21-25-29-34.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page