Horoscope | Setyembre 29, 2023 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 29, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2023 (Biyernes): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte. Ito ang premyo mo mula sa langit dahil sa mga kabaitang pinapakita mo sa iyong kapwa.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka iyong damdamin kahit pa ang isip mo ay nasa tama. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-10-24-31-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Piliin mo magkaroon ng payapang buhay. Mas umuunlad ang buhay kapag payapa ang ating kaisipan. Dahil ang magulong buhay ay isang bukas na pintuan ng mga masasalimot na suliranin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-18-20-26-36-44.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali, mas magandang pag-aralan munang mabuti ang mga nararapat na pagkilos. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-13-15-24-37-38.
CANCER (June 21-July 22) - Ang hawak mong baraha ay “alas”. Walang magagawa ang iyong mga karibal kahit pa sila ay magpumilit. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-10-16-20-28-33-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang magpatangay sa iyong emosyon. Marami na ang nagsisi dahil d’yan. Mas magandang hintayin mo na lang ang tamang pagkakataon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-12-25-33-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga napagtagumpayan munang mga pagsubok. Dumaan ka man sa mahirap na sitwasyon, nanatili ka pa rin namang matatag. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-13-24-27-34-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghinay-hinay ka. Kapag nakita mong maganda na ang takbo ng iyong negosyo, saka ka lang magdagdag ng puhunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-18-21-25-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ipahiram mo ang magandang ideya na hindi mo pa naman magagamit. Huwag kang mag-alala dahil ‘di ka naman mauubusan ng mga kakaibang ideya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-25-27-34-36-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Aangat pa ang iyong kalagayan. Hindi ka mananatiling nasa ibaba. Ikaw ay itinakda para sa mataas na posisyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-15-20-23-35-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Panatilihin mo ang pagiging kalmado. Sa pagiging kalmado, ang tao ay nakakakita ng mga oportunidad upang mas mapaunlad ang kanilang buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-17-20-33-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabagal ang ikot ng gulong ng iyong kapalaran. Pero, pansamantala lang ito dahil muling manunumbalik sa iyo ang mga suwerte, maging ikaw ay ‘di makakapaniwala sa kislap ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-21-23-30-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bibigyan ka ng langit upang masimulan muna ang matagal mo nang balak na negosyo. Lakasan mo ang iyong loob. Ngayon ang tamang panahon para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-9-17-23-30-42.




Comments