top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 29, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Sep 29, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 29, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 29, 2022 (Huwebes): Dahil sa kakaibang kabutihang loob mo, ang langit ay ganundin sa iyo. Pakikitaan ka rin ng espesyal na pagmamahal ng nasa itaas, susuwertehin ka at ang mga kahilingan mo ay magkakatotoo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Damdamin ang iyong susundin ngayon kahit mangulit ang isip mo na igiit na mali ka kapag damdamin ang naghari sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-17-18-20-28-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit malugi o madehado ka, gumawa ka ng kabaitan sa kapwa mo. Papalitan ito ng langit ng malalaking biyaya sa mahabang panahon. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-9-16-18-26-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Muli, magdahan-dahan ka dahil kapag naging mabilis ka sa pagpapasya at kilos, masasaktan at magsisisi ka. Sa pagiging mabagal, ang tao ay nakakapag-isip kung ano ang tama at mali. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-16-20-21-26-33.


CANCER (June 21-July 22) - Susuwertehin ka ngayon. Ang mga suwerte mo ay magsisilbing binhi na mamumunga ng marami at malalaking magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-27-29-39-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Muli kang maaawa sa hindi naman dapat kaawaan. Pero ang kailangan mong maunawaan ay ang babala na maaaring mahulog ang loob mo sa iyong kaaawaan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-15-20-23-38-40-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tatalunin ka ng mga negatibong kaisipan. Ito ay pansamantala lamang dahil ang hangarin mong paunlarin ang buhay mo ay mananaig pa rin sa huli. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-14-27-30-31-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumuha ka ng lakas sa mga karanasan mo kung kailan nagtagumpay ka kahit ikaw ay nag-alinlangan. Kaya dapat ay balewalain mo ang iyong mga negatibong pananaw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-16-18-21-27.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang maghintay ng senyales mula sa langit. Ang tunay na palatandaan para sumulong ang iyong buhay ay ang katotohanang nasa harap mo na ang mga oportunidad. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-12-19-20-30-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang papayag na talunin ka ng lungkot. Alam mong kalungkutan ang nagdadala sa tao ng maraming hindi magagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-20-25-35-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na ipagkakaloob ng langit ang lahat ng gusto mong mangyari sa iyong buhay. Kaya wala kang dapat gawin ngayon kundi ang humiling, makikita mo—ilang araw lang, ang mga kahilingan mo ay matutupad. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-16-24-27-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Narinig mo na ba na ang agila kapag may malakas na unos ay lumilipad nang mas mataas? Ito ang iyong isabuhay, dapat mas angat ka kaysa sa iyong mga suliranin at problema. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-19-21-26-33-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakatuwa kung paano ka susuwertehin. Magkunwari kang walang-wala at magugulat ka dahil ang bulsa mo ay aapaw nang todo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-20-22-28-30-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page