Horoscope | Setyembre 28, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 28, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 28, 2022 (Miyerkules): Marami ang maiinggit sa iyo dahil aakalain nila na sobrang malakas ka sa langit, kung saan ang mga suwerte ay parang malakas na ulan na bumubuhos sa iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ibahagi mo sa iba ang mga suwerteng sumaiyo na hindi mo naman talaga kailangan. Sa ganitong paraan, lalo kang pagpapalain at tatanggap ng maraming biyaya mula sa langit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-10-14-29-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ipinaaalala sa iyo na kapag ang tao ay masaya, ang kapalaran ay gumaganda. Lumayo ka sa mga taong paladaing, iyakin, reklamador at kontrabida. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-17-18-24-27-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Mamili ka ng isa sa mga oportunidad na nasa iyong harapan. Hindi puwedeng lahat ay gustuhin mo dahil mawawalan ng saysay ang mga ito. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-11-16-18-20-31.
CANCER (June 21-July 22) - Ikaw ang panalo kapag ipinaglaban mo ang gusto mo. Ibig sabihin, talo ka kapag wala kang ginawang anuman. Ito ang paalala ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-25-27-30-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Parang mga patak ng ulan na nag-uunahang sumayad sa lupa ang mga suwerteng dumarating sa iyo sa kasalukuyan. Huwag mong sasayangin ang mga ito, bagkus, sinupin at mahalin mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-21-26-28-36-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mawawalan ng lakas ang iyong mga karibal dahil mauubos sa kaiisip kung paano ka tatalunin. Mananatili silang walang mahanap na paraan para ikaw ay pabagsakin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-13-14-27-34-35.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magtiwala ka sa iyong sarili. Dati mo nang nakaharap nang mukhaan ang kabiguan, kaya dapat ngayon ay wala ka nang takot na makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-17-18-21-26-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tuloy-tuloy lang ang buhay kahit pa gaano kalakas ang mga pag-ulan. Tuloy-tuloy lang din ang mga pagsisikap mo kahit gaano karami ang mga pagsubok sa buhay. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-19-22-26-31-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dumating na ang pagkakataon para sa iyo na ipakita ang galing at husay mo sa pagpapatakbo ng mga tao. Mailalabas mo na ang lahat ng natutunan mo sa nakaraan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-14-22-25-32.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi ka pa dapat huminto kahit sobrang nasisiyahan ka sa mga nangyayari sa buhay mo. Ituloy mo lang ang pagsisikap at paghahanda sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-19-20-25-27-30-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sakyan mo lang ang sayaw ng iyong kapalaran dahil sa huli, matututunan mo ring kumilos ayon sa hinihingi ng pagkakataon. Sa ganitong paraan, gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-17-23-28-30-33-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dumadapo ang mga suwerte sa masayahing tao, habang para naman sa mga malungkutin, sila ay nilalayasan ng suwerte at magagandang kapalaran. Piliin mo ang una. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-18-21-23-28-39-42.




Comments