top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 24, 2022 (Sabado)

BULGAR
Sep 24, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 24, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 24, 2022 (Sabado): Kung saan nakahilig ang puno, ru’n siya mabubuwal. Ito ay isa sa Batas ng Kapalaran na dapat mong tandaan. Tulad mo, mahilig ka sa magaganda, kaya maganda rin ang iyong makukuha.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pansinin ang alam mong magiging sagabal sa papaunlad mong buhay. Mas maganda na tuloy-tuloy ka lang sa kasalukuyan mong pinagkakaabalahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-18-20-25-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Isuot mo ang paborito mong damit at makakaasa ka na magiging maganda rin ang takbo ng iyong kapalaran. Ang pagsusuot ng paborito mo ang iyong pampabuwenas. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-15-22-25-29-30-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Maghanda para sa kinabukasan, ito ang utos ng iyong sarili. Sundin mo ito, kaya magbawas ka ng mga aktibidad na pagsasayang lang ng oras at mahalagang panahon sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-24-27-39-40-41.

CANCER (June 21-July 22) - Sa tingin mo, bumabagal ba ang oras? Ang sagot ay oo, dahil mapaghintay ka. Kumilos ka at maging abala araw-araw. Sa ganitong paraan, makikita mo ang bilis ng oras at iyong pag-asenso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-20-21-24-26-35.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mas masaya ka, mas maganda. Dahil masayang sinasalubong ang mga araw kung kailan magdadagsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-17-28-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi masasayang ang iyong pagsisikap ngayon dahil magkakatotoo ang sinasabi na, “Kapag may itinanim, may aanihin.” Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-20-21-28-30-33.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong ituloy ang pagdidiyeta. Ang ganitong payo ay mula lang sa mga naghahangad na kumita ang negosyo nila. Mag-ingat ka. Ito ang babala ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-21-25-26.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag maganda ang takbo ng relasyon, maganda rin ang takbo ng kapalaran. Kaya iwasan mo ang anumang hindi pagkakaunawaan. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-22-27-29-30-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naaawat ang mga bulalakaw kahit sobrang makapal ang mga ulap. Hindi rin maaawat ang pagdating ng mga suwerte mo kahit nag-aalinlangan at nagdududa ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-8-19-27-31-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangang matatag at matibay ka nang sa gayun ay hindi mawala ang saysay ng malalaking suwerte na inilaan sa iyo ng langit. Kapag mahina ka, ang mga suwerte mo ay mapupunta lang sa iba. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-21-27-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madaling makikilala ang nagpapanggap na kaibigan. Magkunwari kang matindi ang iyong pangangailangan. Sa ganitong paraan, malalaman mo kung siya nga ay isang tunay na kaibigan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-23-26-30-36-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumalma ka lang sa harap ng mahigpit mong laban. Kapag kalmado ka, gagana ang iyong isip at ikaw ang mananalo. Muli, kumalma ka lang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-10-15-16-26-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page