Horoscope | Setyembre 23, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 23, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 23, 2022 (Biyernes): Gamitin mo ang iyong likas na talino para matupad ang mga ambisyon mo. Gayundin, huwag kang magpapagamit kahit kanino, bagkus, unahin mo ang iyong kapakanan. Nasa harap mo na ang tuloy-tuloy na pag-asenso at pagyaman.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sumisingit ang matinding init kapag tag-ulan. Huwag mong hayaan na masingitan ka ng tukso. Gayundin, huwag mong kalimutan na puwede nitong masira ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-11-18-20-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka makikinig sa mga payo sa iyo ngayon. Ang totoo, walang sinumang puwedeng makialam sa taong nagmamahal kahit pa mali ang kanyang pagmamahal. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-31-36-40-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ngayon, binibigyan ka ng kalayaan ng langit, kung saan puwede mong iguhit ang iyong kapalaran. Kapag nagawa mo ito, ang mga ambisyon mo sa buhay ay isa-isang matutupad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-15-20-23-34.
CANCER (June 21-July 22) - Bilisan mo ang pagdedesisyon. Mauubos ang mahahalgang oras mo sa kaiisip ng solusyon, samantalang pagkilos sa nauna mong plano ang iyong kailangan. Ito ang paalala ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-19-23-30-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Walang maganda sa taong walang ambisyon. Hindi siya bigo dahil wala rin naman siyang kahit ano’ng gusto, pero wala rin siyang tagumpay, kaya walang magandang hinaharap. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-18-25-28-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Puwedeng umatras kapag alam mong ikaw ay mapapahamak. Bakit ka makikipagsapalaran sa wala na rin namang magandang kauuwian? Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-21-26-27-31.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong asahan ang dati nang hindi maaasahan. Gumising ka sa katotohanan dahil hindi maganda na dinadaya ng tao ang kanyang sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-14-16-25-27.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patuloy kang sinusubaybayan ng langit. Huwag mong akalain na ikaw ay pinababayaan. Tinuturuan ka lang nito na magkaroon ng tiwala sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-21-26-30-32-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling bibilis ang takbo ng mga pangyayari. Mapag-iiwanan ka kung mananatili kang nag-aalinlangan. Huwag kang matakot, simulan mo na ang gusto mong abutin dahil tiyak na ito ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-17-27-28-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Minsan, kapalaran mismo ang tumatapos sa maling nakasanayan. Tanggapin mo ang mga pagbabago sa iyong buhay. Itaas mo ang iyong ulo at harapin nang may tapang at buo ang loob ang marami pang bukas. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-16-27-34-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magdahan-dahan ka. Totoo sa buhay ng tao na ang sobrang kabilisan ay pinagsisisihan. Pag-aralan mong mabuti ang mga susunod mong hakbang. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-12-21-26-29-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Maganda talaga ang malakas ang loob, ngunit minsan, gaya ng nangyayari ngayon, ang sobrang lakas ng loob mo ay maaaring maging sanhi ng iyong kabiguan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-26-30-32.




Comments