top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 22, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Sep 22, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 22, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 22, 2022 (Huwebes): Marami ang hihingi ng alalay mo upang magkaroon sila ng maunlad na buhay. Sila ay may dalang suwerte sa iyo, habang ikaw naman ang suwerte nila. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hayaan mo lang ang mga palakontra at hindi nakakaunawa sa iyong ginagawa. Sa huli, makikisakay din sila sa iyo dahil makikita nilang nasa iyo ang pormula ng pagpapayaman. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-19-23-27-38-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Positibong pananaw ang magsisilbing pampasuwerte mo ngayon nang magdatingan ang magagandang pagkakataon para mas mapaunlad mo pa ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-26-27-35-36.


GEMINI (May 21-June 20) - Pilitin mong buhay at masigla ang iyong isip habang ang mga kamay at bibig mo ay walang tigil. Sa ganitong paraan, hindi ka masisingitan ng anumang pagkakamali. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-25-28-30-34.

CANCER (June 21-July 22) - Hanga sa iyo ang langit dahil sa estilo ng iyong pagmamahal. Yakapin at mahalin mo rin ang iyong hanapbuhay at makakaasa ka na ang bendisyon ng nasa itaas ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-16-17-21-24-25-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hayaan mong makaporma ang iyong mga karibal at kakumpitensya. Ang totoo, hanggang porma lang naman sila. Makikita at mararanasan mo ito, pero iiwanan mo pa rin sila nang milya-milya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-21-28-30-37-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang maisip mong mas makakaganda sa kasalukuyan mong kalagayan, gawin mo ito agad. Ngayon at sa mga araw na parating, walang duda na pawang magaganda ang maiisip mo at ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-20-31-38-39-40.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang makakatulong sa kabuhayan, ‘yun ang piliin mo. Huwag mong kalimutan na kung sino ang magsasayang ng iyong kabuhayan, siya ang iyong dapat ayawan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-22-33-35-39.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagpapatuloy ang pagganda ng takbo ng iyong buhay. Ipagpatuloy mo rin ang iyong kasalukuyang pananaw dahil ang anumang pagbabago ay hindi makakabuti para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-20-21-22-25-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Tulad ng naggagandahang mga bulalakaw, ang kapalaran mo ay napapalamutian ng mga suwerteng magbibigay sa iyo ng malaking pagyaman. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas upang patuloy pang lumago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-19-22-29-33-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Aakalain mong matatalo ka ng iyong mga karibal at kinaiinisan dahil sa biglang tingin, higit silang malakas, pero ang mangyayari, bigla silang magsisibagsak. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-21-28-30-39-42.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo ngayon dahil nagmamadaling mawawala at maglalayasan ang hindi magagandang nangyayari sa buhay mo. Agad-agad na papalit dito ang saya at ligaya. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-26-27-31-32-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kikilos ka na parang wala sa sarili at hindi nag-iisip. Gayunman, mahimalang ang mga kilos mo ang maglalapit sa iyo sa lugar kung saan uunlad at mabilis kang yayaman at liligaya. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-28-33-39-40-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page