top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Setyembre 21, 2023 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 21, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 21, 2023 (Huwebes): Sinisigurado ng iyong kapalaran na aangat ang iyong buhay. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Inilaan sa iyo ang araw na ito, kaya naman malalaking tagumpay din ang naghihintay sa iyo. Ipagpatuloy mo lang ang iyong mga binabalak. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-21-27-33-44.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sa panahong marami kang pinagkakaabalahan, hindi masama ang magpahinga. Ano ang halaga ng salapi at tagumpay kung mapapabayaan mo naman ang iyong kalusugan? Ito ang iyong isaisip. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-15-23-29-30-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Dalasan mo ang pamamahinga. Ito ay upang ma-refresh ang iyong inner self. Kapag laging presko ang iyong pakiramdam, maaakit mo ang mas maraming suwerte at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-17-25-27-39.

CANCER (June 21-July 22) - Kailangan mo magkaroon ng masarap na tulog upang may magandang mangyari sa buhay mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-16-25-27-34-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo kayang labanan ang iyong puso. Pero, mag-ingat ka dahil habang tumutulong ka, may mga taong mananamantala sa iyong kabaitan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-19-27-35-37-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naiiba ka sa lahat, dahil ikaw ay makakakuha ng mga magagandang ideya, samantalang ang iba ay puro kamalasan ang nararanasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-17-23-27-33-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) – Umiwas ka muna sa masasarap na pagkain, hindi mo ba napapansin na nadadagdagan na ang iyong timbang? Hindi masama na maging health-conscious, para na rin mapanatili mo ang iyong kalusugan at magandang pangangatawan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-24-28-31-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mangamba kung papaubos na ang iyong inipon. Gamitin mo ang iyong husay sa pagnenegosyo, dahil tiyak na kayang-kaya mo itong palaguin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-11-25-29-33-44.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag pagod ka na, mamahinga ka. Dahil ang taong pagod ay humihina ang depensa sa kanilang katawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-19-21-25-37-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo kailangang bigyang kat’wiran ang iyong mga ginagawa. Wala kang obligasyon kahit na kanino, lalo na sa mga taong walang ibang nakikita kundi ang pagkakamali mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-23-26-34-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumayo ka agad ‘pag may mga taong ‘di magkaintindihan, dahil paniguradong madadamay at masasayang lang ang iyong oras sa kanila. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-17-22-25-27-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibahagi mo sa kapwa mo ang ilang biyaya na hawak mo. Pero, piliin mo kung sino ang tutulungan mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-23-26-34-40-42.


0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page