Horoscope | Setyembre 20, 2020 (Linggo)
- BULGAR

- Sep 20, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 20, 2020
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 20, 2020 (Linggo): Ipagpatuloy mo ang kabutihang-loob na ipinakikita mo sa iyong kapwa. Hindi ka mauubusan ng mga biyaya mula sa langit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi mo maiiwasang maawa sa isang tao na madalas namang dumadaya sa iyo. Ibig sabihin, sa araw na ito, siya ay muli mong pagbibigyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kikilos ang langit. Ang landas ng buhay na iyong nilalakaran at nagpapahirap sa iyo ay mawawala. Ibig sabihin, giginhawa ang iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red.
GEMINI (May 21-June 20) - Pag-aralan mo ang mga kilos at pananalita ng iyong mga bagong kakilala. Hindi ka puwedeng mapaglalangan dahil noon pa man ay mababasa mo na ang pagkatao ng iyong nakahaharap. Masuwerteng kulay-brown.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang araw pang darating, ibig sabihin, ikaw ay susuwertehin. Sinupin, alagaan at pahalagahan mo ang magagandang kapalarang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-white.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magiging magaan ang mga bagay-bagay kapag ikaw ay may katuwang. Mas maganda na hindi ka gaanong mahirapan kaysa sa nakaya mo nga, pero sobra-sobra kang nahihirapan. Masuwerteng kulay-green.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumukupas ang lahat sa ibabaw ng mundo. Dapat mong malaman na kumupas na ang lakas ng kakumpitensiya mo, puwede ka nang kumilos upang sila naman ang maiwanan mo nang milya-milya. Masuwerteng kulay-yellow.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka maaawa sa sarili mo? Itaas mo ang iyong ulo at salubungin mo ang naggagandahang bagong kapalaran na sa iyo ay nakalaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lumakas ka kaysa sa dati pero baka hindi mo ito magamit dahil maawain ka kung saan pati ang mga kumakalaban sa iyo ay kaaawaan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lihim kang kumilos para sa sarili mong layunin. Hindi masama ang lihim na pagkilos kapag ang mga nasa paligid ay walang ginawa kundi ang magsikontra. Masuwerteng kulay-beige.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang mainip dahil ang mga kahilingan mo sa langit ay magdaratingan na. Mas magandang ihanda mo ang iyong sarili kung saan dapat alisin mo ang iyong hindi magagandang gawi at ugali. Masuwerteng kulay-blue.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bakit parang naging mahiyain ka? Mas nilalapitan ng mga suwerte ang masayang kausap at malakas ang loob sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunin mo ang para sa iyo at ang ibibigay sa iyo ng langit ay sobra sa kailangan mo. Mas pinahahalagahan ang tapat at nagpapakatotoo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet.




Comments