top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

Horoscope | Hulyo 9, 2026 (Huwebes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 9
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 9, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 9, 2026 (Huwebes): Kakaiba ang lakas ng iyong loob. Kaya tiyak na mapapasaiyo ang mga ambisyon mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Anuman ang naisin mo, tiyak na aayunan ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-24-33-42.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Biglang lalakas ang loob mo. Kapag naramdaman mong nangyayari na ito, gawin mo na ang mga unang hakbang para sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-16-21-23-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na magiging sobrang bilis ng iyong pagkilos. Sa sobrang pagmamadali, halos hindi na gagana ang iyong damdamin, kaya hindi mo na rin mararamdaman ang nararamdaman ng iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-18-26-28-34-44.


CANCER (June 21-July 22) - Muling mangyayari sa buhay mo na ang taong nagpapakita sa iyo ng kakaibang galit ay siya pala ang tunay na nagmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-14-17-24-39-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Pabor sa iyo ang araw na ito. Kaya ngayon na ang pagkakataon upang maiwan mo ang mga karibal mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-15-19-25-32-37.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabilis iinit ang ulo mo sa mga walang kuwentang bagay. Kaya lang, para sa iyo, iniisip at inaakala mong may kuwenta ang mga ito, gayung sa totoo lang ay hindi naman dapat pagtuunan ng pansin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-4-13-27-30-32-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Sarili mo ang kalaban mo. Hindi ito madaling talunin, hindi tulad ng mga nakaaway mo. Pero sa simpleng pagbibigay mo ng saya sa iyong sarili, mawawala na ang laban na ito. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-10-18-29-38-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patuloy na pinagaganda ng langit ang iyong kapalaran. Hayaan mo lang ang mga nangyayari sa iyong harapan. Sa huli, ang tunay na kaligayahan ay matitikman mo rin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-15-26-28-35.


SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Makadarama ka ng lungkot ngayon, pero panandalian lamang ito, dahil matatabunan din ito ng magagandang bagay na magmumula sa isang bagong kakilala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-14-16-25-34-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Wala nang basehan ang iyong kaduwagan. Naaalala mo ba na minsan ay natakot ka, pero nang kumilos ka, nawala ang iyong mga takot na parang bula? Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-17-20-31-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatawa ang nangyayari sa iyo sa ngayon. Hindi ka mawala sa isip ng taong galit na galit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-22-28-30-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakaapekto sa trabaho ang sobrang pagmamahal. Kaya bawasan mo ang tindi ng iyong nararamdaman. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-19-27-36-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page