Horoscope | Hulyo 8, 2026 (Martes)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 8, 2026 (Miyerkules): Marami ang susuwertehin dahil sa iyo. Ito ang nakabalot na hiwaga sa araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kakaibang kaba ngayon ang iyong madarama. Wala kang dapat ikabahala. Simpleng nagsasabi lang ito na ang malalaking suwerte mo ay nasasagap mo na at paparating na. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-8-19-28-32-36-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Masuwerte ang araw na ito upang ayusin ang mga gamit sa bahay. Puwede munang ilipat ang mga gusto mong ilipat, dahil darating na ngayon ang mga bagong suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-14-23-32-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Babagal ang mga kilos mo dahil wala kang ibang gagawin kundi suriin ang mga nagawa mo noon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-15-27-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - May negatibong epekto ang pakikialam ng iyong emosyon sa mga plano mo. Mas maganda kung hindi mo hahayaang maghari ang iyong emosyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-13-20-25-36-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magsakripisyo ka para pagkalooban ka ng suwerte at mas marami pang biyaya. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-5-12-17-21-31-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Masyado kang palatanong. Kahit ang sarili mo ay tinatanong mo nang paulit-ulit, gayung nasasagot mo rin naman ang mga ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-16-22-26-30-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinto muna! Mas makabubuti para sa iyo na pag-aralan ang mga susunod mong pagkilos. Hindi pa ngayon ang tamang panahon para sumugod. Iyan ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-12-24-28-38-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tinuturuan ka sa ngayon ng iyong kapalaran ng tamang paraan ng pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-16-23-30-33-35.
SAGITTARIUS (Nov.22-Dec.21) - Umiwas ka sa mga pagkaing hindi naman makabubuti sa kalusugan mo. Mali ang paniniwala ng iba na basta masarap ay mabuti na. Para sa iyo, ang tunay na masarap ay ang matupad ang iyong pangarap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-26-29-37-44.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Habang inaakala ng iba na sila ay pinagdaramutan ng kapalaran, ikaw naman ay makikitang binubuwenas. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-1-17-21-25-34-36.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para mas malalaki at mas marami ang mapasaiyo, lihim mong tulungan ang taong may galit sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-6-11-22-32-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag may nagpakita sa iyo ng hindi maganda, lihim kang magpasalamat dahil isa sa mga kondisyon upang suwertehin ka ay ang mga ikikilos ng kapwa mo na hindi mo magugustuhan. Masuwerteng kulay-black and white. Tips sa lotto-8-13-15-19-28-39.



Comments