top of page
TEKA NGA - KATHRYN, OBYUS NA WALA NANG GANANG UMARTE-FB Netflix.jpg

Horoscope | Setyembre 2, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 day ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 2, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2026 (Miyerkules): Ipagpatuloy mo lang ang paggawa ng kabutihan sa iyong kapwa, dahil sa ganitong paraan, tiyak na susuwertehin ka. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Samantalahin mo ang mga araw na ito, kung saan ay madaragdagan ang iyong yaman. Nakapanghihinayang kapag hindi mo napasakamay ang puwede namang maging iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-23-27-34-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon ang panahon na maghuhulog ang langit ng mga biyaya. Para sa maagap, marami silang makukuha, pero para sa mga ayaw kumilos, wala silang mapapalang anuman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-20-26-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Mabilis na umiikot ang gulong ng iyong kapalaran, kaya mabilis din ang pagdating sa iyo ng mga suwerte. Kaya kung babagal-bagal ka, hindi ito mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-21-31-33-40.


CANCER (June 21-July 22) - Kung ano lang ang kaya mo, iyon ang ibigay mo. Bakit mo pahihirapan ang sarili mo sa paglaan ng regalong sa huli ay ikaw naman ang kakapusin? Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-16-28-37-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kitang-kita mo ang mga nagsusumikap, at nakikita mo rin na sila’y uunlad. Kung ano ang nakita mo kung paano sila mamuhay, iyon ang iyong tularan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-13-25-29-34-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Para sa pagkita ng pera ang mga araw sa ngayon. Puwede namang magsaya ka, pero sa pagsasaya, isipin mo kung paano ka kikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-8-15-18-23-35-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang umasa sa kapwa mo; mas maganda na sila ang umaasa sa iyo. Tulad sa nakaraan, umasa ka, pero wala ka namang napala. Ngunit ang aasa sa iyo ay huwag mo pa ring biguin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-10-17-26-39-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakakagulat ang iyong kapalaran, dahil ngayon ay makikilala ka na. Gayunman, huwag kang magbabago. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-12-24-30-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Patuloy na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-22-27-38-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hayaan mo lang ang mga walang bilib sa iyo. Sa huli, mapapahiya sila, at ang nakakagulat pa ay magsisilapit sila sa iyo para hingin ang tulong mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-20-25-33-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umaapaw ang mga grasya mo ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-17-22-27-31-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi pa tapos ang pagdating ng magagandang oportunidad. Ito ay mangyayari hanggang sa maging matatag ang buhay mo. Gayunman, huwag mong kalimutang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-21-28-35-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page