Horoscope | Setyembre 19, 2023 (Martes)
- BULGAR
- Sep 19, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 19, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 19, 2023 (Martes): Magugulat ka sa mga suwerteng mapapasakamay mo ngayon. Maski ang mga lihim mong mga kaaway ay nagugulat din.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka, kahit na sandali lang. Ito ang susi upang patuloy na dumaloy sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-21-24-27-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Balikan mo ang nakaraan kung saan ikaw ay masaya. Sa biglang tingin, walang kabuluhan ang pagbabalik sa nakaraan. Sa maniwala ka man o sa hindi, dadapo pa rin sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Patuloy kang bibili ng kung anu-ano at ang magiging katuwiran mo ay para sa Kapaskuhan. Kaya lang, malayo pa ang Pasko, ipamigay mo muna ito sa mga nangangailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-16-29-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ito gabay ng iyong kapalaran, dahil ngayon mo mararanasang madaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-14-19-23-39-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aangat ka ngayon, ito ang masayang balita para sa iyo, pero mag-ingat ka dahil may ilan na may isip-talangka na lihim na kikilos laban sa iyo. Masuwerteng kulay-peach, Tips sa lotto-5-17-20-24-30-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakita ng langit na nahihirapan kang gawin ang mga unang hakbang sa tagumpay, kaya magpapadala siya para sa iyo ng isang nilalang na itutulak ka para masimulan mo na ang iyong pinaplano. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-27-32-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang iyong likas na kagandahan upang mapasunod mo ang mga taong iyong mapapakinabangan. Nabubuhay ang tao hindi para laging kawawain. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-15-23-31-37-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangan ang malaking halaga para makasunod sa banal na utos. ‘Wag kang tumulad sa iba na bago tumulong ay kailangan munang magpayaman. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-11-19-22-28-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masasayang araw ang sasalubong sa iyo. Gawin mo kung ano ang mga dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-17-21-25-31-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi mo masasabing masama ang loob mo sa kanila, dahil sa katunayan mababaw lang naman ang iyong kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-16-22-27-32-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) – Tatangayin ng hangin ang mga tampong nararamdaman mo. Wala kang magagawa kundi ibalik ang dating tamis ng inyong pagtitinginan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-21-27-35-46.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayong araw ka sisipagin. Kahit saan ka pa magpunta, ang suwerte ay hahabol pa rin sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-12-24-29-36-44.



Comments