Horoscope | Setyembre 18, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 18, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 18, 2022 (Linggo): Sa pagpapayaman mo gamitin ang iyong lakas ng loob dahil mas makakabuti ito para sa iyo. Huwag mong gamitin sa mga walang kuwentang bagay ang lakas ng iyong loob dahil may posibilidad na mapahamak ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Humiling ka sa langit at ikaw ay pagbibigyan. Kahit ang kahilingan mo ay imposible, ito ay matutupad. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-18-20-26-35-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gawin at sabihin mo ang gusto mo. Ngayon ay bibigyan ka ng langit ng kalayaan na hindi mo naranasan sa matagal na nakaraan. Ito ang mangyayari sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-28-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Tulungan mo ang napapagod at pasayahin mo rin ang tamad. Matutuwa ang napagod, habang ang tamad ay gaganahang magtrabaho at ikaw naman ay lalong pagpapalain ng kapalaran. Madadagdagan ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-17-22-27-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Isip ang paganahin mo ngayon at makikita mo ang tamang katwiran. Sa ganitong paraan, ang mga hindi pagkakaunawaan ay maaayos agad. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-25-29-30-35-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maging masinop ka. Ang mga puwede pang gamitin ay huwag mong itapon. Hindi maganda na porke may pambili ay bibili ka na agad kahit may nagagamit ka pa. Sa pagiging masinop, lalong umuunlad ang mayayaman. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-11-14-23-33-39.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huminto ka kapag kailangan. Hindi mabuti ang walang pahinga at lagpas na sa oras ay nagpapagod ka pa. Iniingatan ang katawan para sa iba pang darating na mga araw. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-17-22-25-34-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang magpapasaya sa iyo, ‘yun ang gawin mo. Huwag kang makinig sa payo na huwag magsaya dahil pag-aaksaya lang ng oras at pera ang pagsasaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige .Tips sa lotto-7-14-24-29-36-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayon mo sugurin ang iyong kinatatakutan, na sa biglang tingin ay malulugi ka at malaki ang mawawala sa iyo. Tama ka noon, pero iba na ngayon ang sitwasyon dahil tiyak na mananalo ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-21-25-26-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na dapat mong alisin ang iyong takot. Ang nasa itaas na mismo ang nagsasabi sa iyo na sumugod ka. Kung wala kang kakampi at maaasahan na tutulong sa iyo, sasamahan at kakampihan ka ng langit, kaya ikaw ay magwawagi. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-13-32-38-40-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Napakaganda ng bituin kapag ang langit ay madilim. Magniningning ka ngayon at sa mga araw pang darating dahil lilitaw ang iyong magagandang katangian. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-21-28-30-31-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong hayaan na magpatuloy ang iyong pagkabagot. Hindi naman mahirap ang solusyon. Pumunta ka sa hindi mo napupuntahan at makipagkuwentuhan ka sa bagong kakilala. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-12-22-27-36-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka sa alam mong wala ka namang mapapala. Ang tao ay hindi dapat mag-aksaya ng oras sa mga bagay na hindi siya uunlad o aasenso. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-20-24-26-36-42.




Comments