top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 16, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Sep 16, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 16, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 16, 2022 (Biyernes): Minsan, kailangan mong lumayo sa iyong lupang sinilangan dahil ito ang susi upang mag-umapaw ang iyong magagandang kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sundin mo ang gusto mo. Magkakamali ka kapag gagawin mo ang dikta ng ibang tao. Higit mong alam kung ano ang makakabuti para sa iyong mga plano. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-19-21-25-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat malibang sa masasayang okasyon. Magsaya ka, pero huwag na huwag mong kalimutan na ang pinakamahalaga ay ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-22-24-25-38-41.

GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang mararanasan mo dahil aayawan mo ito na parang nagsasawa ka na sa kislap ng buhay. Kaya lang, wala kang magagawa dahil papaganda nang papaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-16-24-25-36-37-40.


CANCER (June 21-July 22) - Gumagalaw ang Gulong ng Kapalaran. Ikaw ay makikitang nahahagisan ng malalaking suwerte habang ang gulong ng iyong kapalaran ay ramdam na ramdam mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-22-26-27-40-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nawawala ang mga bituin at muling nagbabalikan sa gabing madilim. Ipanatag mo ang iyong sarili dahil ang magagandang kapalaran ay magbabalikan din sa iyo sa harap ng mga pagsubok sa buhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-14-15-23-28-30-32.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sobrang mayaman ang iyong imahinasyon ngayon. Kailangang makabalik ka sa reyalidad kapag ang laman ng iyong pagpapantasya ay mga negatibong senaryo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-11-15-26-30-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kumukupas ang mga larawan, pero ang matatamis na alaala na nakalakip sa mga ito ay nananatiling buo, na nagiging dahilan ng pakikipagbalikan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-26-29-31-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kasagsagan ngayon ng pamumulaklak ng mga halaman. Ito ay nagsasabing nasa todong-lakas ang mga suwerte mo. Isabuhay mo ang pagpapahalaga sa mga biyaya na mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-22-25-29-30-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ito ang araw na dapat kang kumilos. Nakabukas ang pandinig ng langit at narinig ang lahat ng mga kahilingan mo. Ang mga kahilingan mong ito ay isa-isa nang matutupad ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-16-24-31-38-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Labanan mo ang pagiging laging huli. Kapag natututo kang maging maaga, ang magagandang kapalaran ay magdadagsaan sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-13-27-32-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag gumalaw ang mga sanga ng punong-kahoy, ang hangin ay sumasarap at nakakapagpasaya. Kumilos ka na parang ikaw ay masaya, ang buhay mo ay gaganda. Kasabay nito, ang iba’t ibang suwerte ay mag-uunahang dumating sa iyong harapan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-19-20-23-36-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Malayo sa iyo ang dagat, pero napakalakas ng hatak ng naglalaro sa isip mo na mga alon sa dalampasigan. Ibig sabihin, huwag mong tanggihan ang imbitasyon ng pamamasyal dahil mas maraming ideya na magdadala ng suwerte ang iyong makukuha. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-20-21-28-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page