top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Setyembre 15, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Sep 15, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 15, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 15, 2022 (Huwebes): Kumikilos ang kapalaran mo para pagandahin ang iyong buhay. Kahit may mga pagkakataong nagkakamali ka ng diskarte, ito ay kusang inaayos ng kapalaran patungo sa higit mong ikatatagumpay at ikauunlad.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magugustuhan mo ang magaganda dahil nakakakuha ka ng sigla at inspirasyon. Sa ganitong paraan, lalo kang napapalapit sa katuparan ng mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-26-28-30-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na dadagdagan pa ng langit ang mga suwerte mo. Pero nagbababala rin ang araw na ito na lalong dadami ang bilang ng maiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-21-27-31-34-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong baguhin ang mga nakikita mo. Ang tama ay tama at ang mali ay mali. Hindi makakaganda sa iyo na ang mali ay hahanapan mo ng katwiran para matawag na tama. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-18-19-28-35-36.

CANCER (June 21-July 22) - Walang pagsidlan ngayon ang iyong kaligayahan dahil ang inakala mo na gagawa sa iyo ng hindi maganda ay siya pang magiging dahilan kaya ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-5-11-16-17-25-32.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mabilis na iikot ang orasan ng iyong kapalaran at matatagpuan mo na nasa sa iyo na ang isang bagay dapat mapasaiyo. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas, ito ang iyong obligasyon upang lalo kang dagsain ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay- white. Tips sa lotto-13-20-27-33-39-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapahiya ang mga hahatol sa iyo dahil ‘yun mismo ang mararanasan nila. Susuwertehin ka naman, gayudin ang mga magpapakita sa iyo ng simpatya at pagmamahal. Masuwerteng kulay-olive green. Tips sa lotto-5-15-19-28-38-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magsisimula ang bagong kabanata ng buhay mo kahit hindi pa tapos ang dapat ay tapos na. Ito ang nangyayari sa buhay ng isang tao kapag kumakapit siya sa maling pag-ibig. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-21-25-27-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaibang malakas na gayuma ang mapasasaiyo dahil ang mga maaakit mo ay may kakayahang bigyan ka ng masarap na buhay na lulutas sa iyong mga problema. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-24-25-32-38-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Madaling sumunod ang uutusan sa pamamagitan ng banayad at marahang boses at ang resulta ay eksakto sa kung ano ang kailangan mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-22-24-29-31-39.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magugulat ka ngayon. Wala ka namang kakaibang ginawa, pero mapapalapit sa iyo ang hindi mahilig makipagkaibigan. Ang totoo, matagal na niyang gusto na maging kayo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-21-25-26-38-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpakatatag ka dahil ang mga tukso ay magbabalikan sa buhay mo. Sa pagkakataong ito, mas malakas sila kaysa sa nakaraang mga araw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-29-34-38-40-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magagawa mo ang gusto mo. Dahil sa araw na ito at sa darating pang mga araw, ang regalo ng langit para sa iyo ay nakakamanghang tapang at lakas ng loob. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-7-25-27-35-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page