Horoscope | Setyembre 14, 2023 (Huwebes)
- BULGAR
- Sep 14, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 14, 2023
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 14, 2023 (Huwebes): Walang dudang yayaman ka sa pagnenegosyo. Tutukan mo ang mga bagay na alam mong kikita ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napakabilis dumating ng suwerte at mabilis din itong mawawala. Kaya, wala kang dapat gawin kundi bilisan ang pagpulot. Anumang oportunidad ang dumating sunggaban mo na agad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-12-18-24-33-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) – Nakakagulat dahil kung kailan wala kang ginagawa, du’n ka biglang yayaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-9-15-21-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang madali ‘yun ang iyong piliin. Hindi ka isinilang para pahirapan ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-16-23-34-45.
CANCER (June 21-July 22) - Pakinggan mo silang may mga alam. Kaya sila naging dalubhasa, dahil sa haba at masusing pag-aaral na kanilang ginawa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-23-25-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magparaya ka. Kapag may nagbabahagi ng kuwento sa harap mo kahit hindi mo gaanong gusto ang diskarte niya hayaan mo lang. Mas maganda na ‘di ka makipagtalo lalo ngayong malapit na dumating ang suwerte mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-22-28-33-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makialam sa mga nagdudunung-dunungan. Hayaan mo silang bumanat hanggang sila mismo ang mapahiya. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-13-19-20-29-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Gamitin mo ang espesyal na katangian mo. Magluto ka ng mga may kakaibang sangkap, dahil ito ang magpapayaman sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-15-24-36-40-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kapag may naiisip kang maganda, kumilos ka agad. Sa ganitong paraan, hahangaan mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-23-27-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdagan mo ang kulang! Kulang ka sa sigla, kaya dapat maghanap ka ng paraan para muli kang sumigla. Puwede kang makipag-ugnayan sa taong naging inspirasyon mo sa buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-9-15-27-33-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tama ang ginagawa mo ngayon, lalo mo pang pag-ibayuhin ang iyong mga pagsisikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-19-22-37-41-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka maaaring talunin ng kalungkutan. Simple lang ang sikreto upang ika’y sumaya, dahil sa tuwing titingnan mo ang iyong sarili sa salamin, mananariwa na agad ang iyong sigla. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-27-29-33-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon ang piniling araw ng langit, upang matupad at magkatotoo ang matagal mo nang pinapangarap, lalo na ang mga pangarap mo na may kaugnayan sa salapi at materyal na bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-13-24-35-40-44.




Comments