top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Setyembre 14, 2022 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 14, 2022


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 14, 2022 (Miyerkules): Makulay ang iyong kapalaran sa lahat ng larangan na iyong pagkakaabalahan. Ito rin ay nagsasabing sa negosyo, magiging makislap ang iyong kabuhayan.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Taglay mo ang talas ng isip, kung saan agad mong mahahalata ang may hindi magandang motibo na magtatangkang mandaya sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-20-21-24-28-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ngayon ang iyong pinagkakakitaan nang sa gayun ay mas mabilis ang iyong pag-unlad. Puwede kang magsakripisyo muna na huwag nang pagkaabalahan pa ang ibang mga bagay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-24-25-38-39-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Ibinalik na ng langit ang mga araw kung kailan suwerte ka sa anumang pakikipagsapalaran. Mananalo ka at ito ay tiyak. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-17-22-28-31-41-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi makakabuti sa iyo ang mabilis na pagpapalit ng isip. Mamahinga at huminga ka muna nang malalim kapag nahaharap ka sa kritikal at maselang pagdedesisyon sa kung ano ang tama para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-14-16-27-34-36.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magbigay ka sa kapwa mo na manghihingi sa iyo. Kapag ikaw ay may hiningi sa langit, walang pag-aalinlangan na ikaw ay pagbibigyan din. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-20-21-23-27-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ihanda mo ang iyong sarili dahil malalaking prayoridad ang lalagay sa iyong harapan. Lakas ng katawan at ang masidhing hangarin na umasenso ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-11-15-25-27-33-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Saya ang kailangan mo. Kaya magsaya ka dahil kung iyong maaalala, ang mga suwerte ay dadapo sa iyo sa mga panahon na ikaw ay masaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-23-28-30-31.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong mainis at magalit. Para magawa mo ito, simple lang ang kailangan. Lumayo ka muna sa mga sitwasyon at tao na alam mong maiinis o magagalit ka. Hindi makakaganda sa kapalaran mo ang inis at galit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-10-12-21-22-26-29.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagpapatuloy ang paglitaw ng mga bulalakaw sa kalangitan. Ibig sabihin, nagpapatuloy pa rin ang pagkakataon na kapag humiling ka sa langit ay tiyak na pagbibigyan ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-24-25-37-40-41.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lumayo ka sa mga hindi maganda. Lumayo ka sa mga bisyo, taong masasama ang ugali at pagkain na makakasama sa katawan at kalusugan mo. Gawin mo at siguradong gaganda ang takbo ng iyong buhay at kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-14-25-28-30-32.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malamig na ang simoy ng hangin. Ito ay nagbibigay ng mensahe na ang kapalaran mo ay kikilos nang pabor sa mga gusto mong mangyari sa iyong buhay. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-gold. Tips sa lotto-9-16-17-28-38-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Taas-baba ang mga alon sa dagat. Ganundin ang kapalaran mo, ngunit patuloy ito sa paggalaw at nagsasabi na ang patuloy na paggalaw ng iyong kapalaran ay palagi nang papunta pag-unlad. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-15-20-23-25-33-36.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page