Horoscope | Setyembre 11, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 11, 2022 (Linggo): Kahit nag-iisa ka, gaganda ang iyong kapalaran. Hindi ka tulad ng iba na kailangan ang kanilang kapwa upang gumanda ang buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Manindigan ka. Hindi puwede na magpatangay ka lang sa paniniwala ng iba at gagamitin ka lang sa kanilang pansariling pakinabang. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-23-26-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka bibiguin ng langit. Kung ano ang magpapasaya sa iyo, ‘yun din ang ipagkakaloob sa iyo. Kung ano ang magpapaganda sa buhay mo, ‘yun mismo ang mangyayari sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-21-25-38-39-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Kahit may karapatan kang magalit, ‘wag ka pa ring magagalit. Bagkus, kontrolin mo pa rin ang iyong emosyon. Tandaan mo na ang galit, kahit kailan ay makakasama sa iyong kalusugan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-13-18-23-31-32-38.
CANCER (June 21-July 22) - Nakakatawa ang mga lihim mong kaaway. Aakalain nila na maiisahan ka, pero sila pa ang maiisahan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-19-29-30-34-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Madalas, ang naniniwala sa sabi-sabi ay nagsisisi. Ikaw na mismo ang mag-obserba dahil hindi mo dadayain ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-11-14-26-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magtanong ka muna sa may alam na. Hindi naman masama ang magtanong-tanong kaysa dumanas ng mga pagkakamali. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-14-21-28-33-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang makipagsapalaran kapag maliit ang pagkakataon mong makuha ang iyong gusto. Lumagay ka kung saan malaki ang tsansa na pumabor sa iyo ang kapalaran at mga pangyayari. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-18-29-31-37-40-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Patuloy kang aalalayan ng langit, lalo na sa bagay na kung ikaw lang mag-isa ay mahihirapan ka. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang payo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-23-25-31-40-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kapag may humahamon sa iyo, huwag mong patulan. Nagsasayang ka lang ng oras sa mga nag-aakalang mas magaling sila kaysa sa iyo, pero ang totoo, puro naman sila laos at mahihina. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-11-12-26-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag ka nang magtagal pa sa harap ng isang malapit sa iyo pero mahirap makaunawa, kung saan ang alam niya ay angat siya kaysa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-16-20-24-26-39-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kung saan maluwag, du’n ka dumaan. Bakit mo gugustuhin ang masikip na daan, kung saan ikaw ay magagalusan at masasaktan? Ito ang paalala para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-21-28-31-38-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakapagsimula ka sa gustong-gusto mong negosyo ‘pag tinanggap mo ang tulong mula sa isang kaibigan. Ngayon na ang pagkakataon mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-23-32-35-39-41.




Comments