top of page
SHOWBIZ SPECIAL - GARY V., ‘DI UBRANG MAGPA-STEMCELL-IG _garyvalenciano.jpg

Horoscope | Setyembre 10, 2026 (Miyerkules)

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 10, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 10, 2026 (Huwebes): Kabilang ka sa mga masusuwerteng nilalang. Ang mga pagsusumikap mo ngayon ay mamumunga na ng matatamis na tagumpay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapatalo sa kalungkutan, dahil ayon sa iyong kapalaran, kapag masaya ka, ang magagandang bagay ay agad na guguhit sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-14-20-28-38-43.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kunin mo ang para sa iyo at ipaglaban mo. Huwag mong hayaan ang mga taong walang karapatan na angkinin ang para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-11-17-25-39-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Magpapatuloy ang pagdating ng mga suwerte mo kahit pa may pag-aalinlangan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-15-21-27-32-40.


CANCER (June 21-July 22) - Ang mga suliraning dinaranas mo ngayon ay unti-unti nang maglalaho. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-12-19-24-38-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Alisin mo ang takot, at harapin mo ang mga araw na darating nang may tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-10-14-26-30-45.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pagaanin mo ang mga pasanin mo. Ang mga pabigat sa buhay mo ay isa-isa mong alisin. Kapag gumaan ang iyong pasanin, ang mga magagandang kapalaran ay mas madali na ring mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-16-18-29-33-37.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli mong isuot ang paborito mong kasuotan, dahil ito mismo ang pampabuwenas mo ngayon. Masuwerteng kulay-Green. Tips sa lotto-9-15-20-23-25-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagpasya na ngayon ang langit na bigyan ka ng makulay na buhay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-19-22-28-32-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pasayahin mo ang kapwa mo para pasayahin ka rin ng langit. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-17-21-29-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakatuwa ang iyong kapalaran. Aakalain ng iyong mga lihim na kaaway na bagsak ka na at hindi na makaka-recover pa, pero ang mangyayari, kapalaran nila ang papangit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-18-20-35-44.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka nang kumilos upang masumpungan mo ang iyong sarili na yakap-yakap ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-16-24-27-33-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang ayaw mo, iyon ang mangyayari. Kailangan itong maganap upang mabigyan-daan ang mga naglalakihang suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-5-14-23-25-30-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page