top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Setyembre 10, 2023 (Linggo)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 10, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 10, 2023


Sa may kaarawan ngayong Setyembre 10, 2023 (Linggo): Kabilang ka sa mga mapapalad na nilalang. Simula ngayon, kusang darating sa iyo ang mga suwerte kahit na ‘di mo na ito hilingin sa langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo anumang gusto, dahil papayagan at aalalayan ka ng langit. Huwag mong sayangin ang masuwerteng panahon na ito. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-23-37-40-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Haluan mo ng kasiyahan ang iyong kinikilos. Ito ang susi upang magkaroon ka ng masaya at magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-17-21-24-28-34.

GEMINI (May 21-June 20) - Isang bagay lang ang iyong tutukan. ‘pag masyado kang maraming gustong mangyari, kahit isa sa mga ito ay hindi mo makukuha. Muli, isang bagay lang ang iyong pakatutukan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-27-33-36-44.

CANCER (June 21-July 22) - Kung sino ang iyong makakatabi, sa kanya magmumula ang iyong ligaya, kaya ‘wag kang mag-aksaya ng oras sa mga taong nasa malalayong lugar. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-15-26-30-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Hawak mo ang katotohanan, wala kang dapat na ipag-alala. Ang mga taong sumasandal sa kasinungalingan, sila ang dapat na mangamba. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-6-18-24-35-38-46.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong ideya. Ibahagi mo ito sa mga taong gustong umunlad ang buhay. Sa ganitong paraan, hindi ka rin pagdadamutan ng langit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-18-21-25-36-42.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pagduduhan ang iyong sarili. Tiwala sa sarili ang sikreto upang magtagumpay sa buhay. Ito rin ang magsisilbing susi mo upang mapasaiyo ang iyong pinapangarap. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-17-24-30-38-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hayaan mo lang na magkamali ang ilan sa mga kakilala mo. Mas maganda na lumayo ka sa kanila dahil kung makikialam ka sa buhay nila, maaari ka pang madamay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-29-33-35-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dapat nakasayad pa rin ang mga paa mo sa lupa kahit na tumaas pa ang kalagayan mo sa lipunang iyong ginagalawan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-16-20-24-26-43.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong tanggihan ang tulong na binibigay nila sa iyo. Dahil, sila ay lihim na nakatanggap ng utos mula sa langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-19-28-39-40-46.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa iyo ang araw na ito, kaya anumang espesyal na maisip mo, gawin mo na agad at tiyak na ito ay mangyayari at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-16-17-20-25-27.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Pasasayahin ka ng mga taong nasa malalayong lugar, lungkot naman ang makukuha mo mula sa mga taong malalapit sa iyo. Mas maganda na magdagdag ka pa ng mga kaibigan na nasa malalayong lugar. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-29-30-34-37.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page