Horoscope | Setyembre 1, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 1, 2022
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 1, 2022 (Huwebes): Likas kang masuwerte, kaya marami ang naiinggit sa iyo, lalo na ang mga nag-aakala na sila ay pinagdadamutan ng kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas upang dumami pa ang iyong magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Magsaya ka at susuwertehin ka. Kaya kahit ano pa ang iyong mga problema, magsaya ka pa rin nang sa gayun ay gumanda ang takbo ng iyong kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-18-20-25-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hayaan na makasingit ang iyong mga karibal. Magtutuloy-tuloy lang ang kasalukuyan mong ginagawa kung kailan umaani ka ng mga biyaya. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-20-21-27-39-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Gumawa ka ng kabutihan sa mga hindi mo kilala. Sa ganitong paraan, sobrang matutuwa sa iyo ang langit at dadagdagan pa ang mga suwerteng sumasaiyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-11-17-24-26-35.
CANCER (June 21-July 22) - Nagbabalita ang araw na ito na langit mismo ang gagawa ng paraan para masolusyunan ang mga hindi mo kayang problema. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-14-15-23-28-41-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang puwede sa iba, puwede rin ito sa iyo. Kaya puwedeng-puwede ka ring suwertehin sa negosyo tulad ng mga kakilala mo. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-golden yellow. Tips sa lotto-13-34-37-49-40-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagkukubli sa mahihirap na gawain ang mga suwerte mo. Huwag kang susuko kahit mahirapan ka dahil ang aanihin mong matatamis na bunga ng iyong pagsisikap ay sobrang dami at doble-doble. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-16-20-22-24-25-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nagdadatingan ang mga tulong sa iyo mula sa malalayong lugar. Ipakita mo na marunong kang magpahalaga sa mga bigay nila at magpasalamat ka sa bawat matatanggap mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-25-27-35-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang kailangan, ‘yun lang ang iyong ibigay. Ito ang susi para hindi ka abusuhin ng kapwa mo. Ito rin ang pormula nang maingatan mo ang mga nasa iyo na. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-13-23-28-38-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang kakayahan ng gustong maging bahagi ng iyong buhay. Ito ang susi para hindi ka magsisi sa huli, kung saan aasa ka sa mga pangakong mauuwi lang sa wala. Masuwerteng kulay-royal blue. Tips sa lotto-17-21-27-31-32-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpakatibay ka dahil malaking suwerte ang nag-aabang sa landas ng buhay na iyong nilalakaran. Kung hindi ka matibay, baka ito ay masayang at ikaw ay manghinayang na lang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-22-28-30-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong panghinayangan ang lumipad na mga suwerte sa iyo sa mga nakaraang araw at buwan. Muli itong babalik sa pagkakataong hindi ka na abala sa kung ano-anong bagay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-20-21-23-34-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Natutunaw ang yelo sa init ng panahon. Matutunaw din ang mga kamalasang kumapit sa iyo at ang dadapo naman sa kapalaran mo ay ang mga sariwa at magagandang oportunidad. Masuwerteng kulay-dark green. Tips sa lotto-2-17-19-25-28-30.




Comments