top of page

Horoscope | September 6, 2024 (Biyernes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 6, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 6, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 6, 2024 (Biyernes): Lalakas ngayon ang iyong karisma. Ingatan mong maakit sa iyo ang mga taong puwedeng magpabagsak sa iyo. 


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ka ngayon, at ikaw ang pag-asa ng mga taong hindi kayang magpaunlad. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-29-30-35-42-45.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Susuwertehin ka! Sapagkat muling ibabalik ng langit ang iyong masuwerteng araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-21-25-31-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Mapapansin mo na muling babalik sa iyo ang mga tukso. Huwag mong kalimutan na ang tukso ay nakakasira ng kapalaran at inspirasyon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-16-26-28-36-44.

 

CANCER (June 21-July 22) - Kakaibang sigla ang iyong mararamdaman ngayon. Ito ay isang malinaw na palatandaan na masasagap mo na ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-28-33-35-41.

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Guguhit sa kapalaran mo ang isang nakakamanghang karanasan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-14-22-29-38-46.

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag masaya kang nakikipagrelasyon, gaganda at mabilis na mapupunta sa iyo ang mga suwerte. Ito ang simpleng sikreto para buwenasin ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-24-34-37.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Simulan mo na ang matagal mo nang binabalak na negosyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-10-15-16-25-38.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ngayong panahon ng tag-ulan, itapon mo muna ang mga bagay na ‘di mo kailangan. Kumbaga, magbawas ka ng mga bagay na hindi mo na mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-12-30-35-39-45.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang maganda sa iyong paningin, iyon ang piliin mo. Hindi ito gabay ng kapalaran, ito ay tiyak na mangyayari. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto - 1-19-21-25-27-32.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papaganda nang papaganda ang buhay pag-ibig mo ngayon. Huwag mong pansinin ang mga kontrabida. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-22-29-33-45.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo maasikaso ang ilang bagay kahit na ang mga ito ay mahalaga. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-24-31-34-44.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makulay ang iyong buhay. Sakyan mo lang ang agos ng iyong kapalaran para masumpungan mo ang iyong sarili na nasa bagong estado ng pag-unlad at kaligayahan. Masuwerteng kulay-yellow.  Tips sa lotto-2-14-10-26-34-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page