ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 27, 2024
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 27, 2024 (Biyernes): Makakamit mo ang mga ambisyon mo dahil ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Gawin mo na ang mga hindi mo pa nagagawa. May pag-aalinlangan ka man o wala, iaalay pa rin sa iyo ng langit ang tagumpay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-20-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapang at lakas ng loob ang iyong kailangan ngayon. Lahat ng gusto mo kahit pa mahirap mangyari ay tiyak na mapapasakamay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-23-31-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Humugot ka ng lakas ng loob sa mga taong nagmamahal sa iyo para ‘di ka mabigo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-16-29-39-40-44.
CANCER (June 21-July 22) - Maaantala ang mga suwerte na paparating sa buhay mo dahil sa ang mga negatibong puwersang nangingibabaw sa isip mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-7-14-24-31-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Malakas ka ngayon. Sa katunayan, mas lalakas ka pa kesa sa mga kaaway at karibal mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-25-27-36-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong gamitin ang iyong tapang sa mga bagay na wala namang kakuwenta-kuwenta. Tulad ng pakikipag-debate sa mali ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-14-20-28-30-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Handa kang alalayan ng langit. Kaya ‘wag mong isipin na nag-iisa ka lang ngayon, dahil ang langit mismo ang magdadala sa iyo ng suwerte na iyong mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-13-18-23-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang tumulad sa mga taong mapanghusga. Alalahanin mo na ang panghuhusga ay hindi para sa tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-29-32-34-40-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lalapitan ka ng suwerte ngayon. Kaya naman ipanatag mo ang iyong sarili. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-15-22-25-36-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papahiramin ka ng lakas ng loob ng taong gusto kang magtagumpay. Siya mismo ang magsasabi sa iyo kung paano at ano ang dapat mong gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-21-27-34-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nagkukunwaring malakas ang taong malapit sa iyo, pero sa totoo lang, mahina lang naman talaga siya. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-13-18-23-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ibigay mo ang best mo sa proyektong ginagawa mo. Sa ganitong paraan mo mabilis na matatapos ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-10-16-30-34-41.
Comments