top of page
Kim Chiu - IG.jpg

Horoscope | September 2, 2024 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 2, 2024
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 2, 2024



Horoscope

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 2, 2024 (Lunes): Kakaiba ang kabutihang ipinapakita mo sa tao. Kaya kamangha-manghang suwerte rin ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, higit lalo sa panahon ng Kapaskuhan. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kalimutan ang mga taong nakatulong sa iyo, lalo na sa panahon ng iyong kagipitan. Balikan mo sila, at pasalamatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-20-31-39.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatalunin ka ng awa. Dati nang nangyari sa iyo ang ganito, at muli itong mauulit. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-18-21-34-44.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama ang maging mapagbigay, subalit kung ang muli mong pagbibigyan ay alam mong wala naman sa lugar, magsisisi ka lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-14-23-28-34-41.

 

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran. Maganda itong oportunidad kung gagamitin mo ito. Masuwerteng  kulay-purple. Tips sa lotto-3-5-15-20-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kinakapos ka dahil sa maling paggastos. Masaya ang buhay kapag nasa ayos ang lahat. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-33.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil kailangan mo munang talunin mo ang mga negatibo mong pananaw na labas-masok sa iyong isipan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-21-29-38-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong  pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ang asikasuhin mo ngayon ay kung paano mo matutupad ang mga pangarap mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-33-37-40.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pakinggan mo ang sinasabi ng isip mo. Isip ang nakakaalam kung ano ang tama at mali. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-20-27-35.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mahalaga kung maabot ng tao ang tagumpay, dahil ang tunay na importante ay masaya ka ba sa kung ano ang iyong narating. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-23-31-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi bigo ang patuloy na lumalaban. Ang kabiguan ay para lang sa mga taong sumusuko. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-8-12-24-37-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang lumaban. Ang pinakamaganda mong gawin ay magkunwari kang mahina para mas mabilis mong mapabagsak ang iyong mga kaaway. Masuwerteng kulay-red.Tips sa lotto-7-18-20-28-38-45.

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dito sa mundo, kung sino ang nauna, siya rin ang unang natatalo. Kaya naman iwasan mo silang patulan, dahil ang huling halakhak ay sasaiyo pa rin. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-14-16-27-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page