Horoscope | September 20, 2024 (Biyernes)
- BULGAR
- Sep 20, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 20, 2024

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 20, 2024 (Biyernes): Taglay mo ang kapangyarihan ng kutob, makukutuban mo ngayon ang mga positibong magaganap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Malakas ang iyong damdamin ngayon, kaya mag-ingat ka dahil maaari itong makaapekto sa pangkabuhayan mo. Kontrolin mo ang iyong emosyon, lalo na ang iyong awa sa kapwa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-20-24-39-41-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hihina ang loob mo ngayon at maaaring hindi mo magawa ang pangako mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-21-25-29-30-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Madali kang maloloko ngayon. Mas maganda kung ang magpapasya sa iyo ay ang taong malapit sa puso mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-18-24-29-35.
CANCER (June 21-July 22) - Muling dumating ang mga araw mo at ito ay magsisimula ngayon kung kailan malaya at mabilis mong magagawa ang anumang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-14-28-31-32.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maaaring hindi mo paniwalaan, pero ang mga suwerte mo ay nasa bilugan ang mukha at mataba. Gandahan mo ang pakikiharap sa kanila dahil sila mismo ang pampasuwerte mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-24-29-31-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magpatalo sa negatibo mong pananaw. Tandaan mo na ang negatibong kaisipan ay nagbubunga rin ng negatibong bagay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-17-22-28-34-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Walang dapat manghimasok sa pagpapasya mo. Magkakamali at mapapahamak ka kapag pinakinggan mo ang ibang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-16-28-30-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mas maganda kung kontrolado mo ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-9-11-13-20-21.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ka. Ang katotohanan ay nagsasabing sa tigas ng iyong paninindigan, ang titindigan mo ay kamalian. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-18-29-30-35.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang tsansa na maging emosyonal ka. Kapag nahalata mong ganu’n ka, ibalik mo ang pagiging praktikal para mabilis kang umunlad. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-11-16-22-27-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi lang sa materyal na bagay nabubuhay ang tao, dahil kailangan mo rin ang matatamis na pakikipaglambingan sa iyong karelasyon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-11-17-20-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makakabahagi ka sa mga suwerteng ihuhulog ng langit. Para malalaki at marami ang mapasaiyo, gumawa ka ng kabutihan sa hindi mo naman kakilala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-21-25-34-42.
Comments