Horoscope | September 19, 2024 (Huwebes)
- BULGAR

- Sep 19, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Sep. 19, 2024

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 19, 2024 (Huwebes): Maraming biyaya ang mapapasaiyo ngayon. Kaya sa timbangan ng kapalaran, higit kang masuwerte kung ikukumpara sa ibang tao.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang magpapatalo sa lungkot. Kapag masayang nag-iisip ang isang tao, mabilis na lumalapit ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-12-24-39-43-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakakatuwa ang kapalaran mo, dahil muling lalapit sa iyo ang magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-26-34-37-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Bubuhos sa iyo ang malakas na ulan na mag-aangat sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-11-21-35-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Dapat kang magpasalamat sa nasa itaas, dahil ipapakita ng langit na ikaw ay muling pagkakalooban ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-28-33-39-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pansin mo ba na ang paa ng tao ay patungo sa harap? Kaya anuman ang nararanasan mo ngayon, ‘wag kang titigil. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-13-24-29-35-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magkikislapan ang magagandang oportunidad sa iyong harapan, kaya naman pumili ka ng isa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-15-23-25-30-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang malilito kung marami ang nagkakagusto sa iyo. Piliin ang seryoso, at iwasan mo ang mga taong masayahin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-19-27-33-39-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung lagi mong iisipin ang sasabihin ng iba, hindi ka magiging masaya. Hayaan mong silang mag-isip nang mag-isip tungkol sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-20-24-34-37-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang umasa sa iba. Mas maganda kung sila ang aasa sa iyo. Dahil ang tagumpay mo ay nakasalalay sa mga umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-22-29-34-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Reregaluhan ka ng langit kahit wala namang okasyon. Ang nakakatuwa pa sa kapalaran mo, sunud-sunod ang pagdapo sa’yo ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-8-10-17-24-31-33.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maliit man o malaki ang mga biyayang napapasaiyo. Magpasalamat ka pa rin sa nasa itaas, dahil maraming tao silang pinagdadamutan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-4-14-27-25-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka man o hindi, may mga suwerte pa ring darating sa iyo. Ito ang premyo mo mula sa langit. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-13-21-25-38-45.



Comments