Horoscope | September 15, 2024 (Linggo)
- BULGAR

- Sep 15, 2024
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | September 15, 2024

Sa may kaarawan ngayong Setyembre 15, 2024 (Linggo): Mabilis ang pangyayari sa buhay mo. Kaya naman mabilis ka ring yayaman. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon mo na dapat simulan ang bagong negosyo. Huwag mong sayangin ang pagkakataon, bagkus tutukan mo ang negosyong gustung-gusto mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-17-23-25-34-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mabilis mong makukuha ang anumang gusto mo, pero kailangan mo munang malaman na ang mga bagay na mabilis nakukuha ay mabilis din naglalaho at nawawala. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-9-18-20-26-28-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyo ang araw na ito, at ngayon mo mababawi ang mga bagay na nawala sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-11-14-27-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Muli kang malilito dahil parehong seryoso ang nasa harapan mo. Hayaan mo lang na lumakad ang mga araw. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-13-24-28-39-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Biglang magbabago ang takbo ng mga pangyayari. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas upang tuluy-tuloy ka pang suwertehin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-21-26-31-38.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mapapasaiyo ang panalo, at ang panalo mo ay higit pa sa iyong inaasahan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-13-18-22-29-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hayaan mong magsalita ang mga gustong magsalita laban sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-17-20-24-27-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano ang gusto mo, ‘yun ang sundin mo. Bakit gagawin mo ang gusto ng iba? Mali ang ganu’n, lalo na para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-21-30-38-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ipagpatuloy mo ang pagtutok sa trabaho. Dahil ang paglilibang ay magpapabagal lang ng mga proyekto. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-3-19-25-28-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon na ang tamang araw para itakwil ang mga hindi magagandang katangian. Ngayon din ang tamang araw para simulan ang pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-6-13-21-27-33-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Labanan mo ang lamig ng panahon. Magsumikap ka tulad ng mga taong nagmamadaling umasenso. Gawin mong abala ang iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-14-16-24-29-31-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung sino ang mas malapit sa puso mo, siya ang para sa iyo. Dahil sa katunayan, ang langit mismo ang gagawa ng paraan para maging malapit kayo sa isa’t isa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-8-19-28-37-41.


Comments