Horoscope | September 14, 2021 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| September 14, 2021
Sa may kaarawan ngayong Setyembre 14, 2021 (Martes): Bilis ang magdadala sa iyo ng matagumpay na buhay. Ang yaman ay makukuha mo rin sa bilis dahil ito ang sandata ng iyong kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong tagalan ang pagbuo ng plano na may kinalaman sa pagpapayaman. Maaaring maunahan ka ng iba at sa huli ay mainggit ka pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-12-20-32-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan ka masaya, dapat ‘yun ang piliin mo. Walang tao na gusto ng lungkot. Kaya ang masasayang aktibidad ay huwag na huwag mong palalagpasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-26-36-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Masaya at maligaya ka, pero sa mata lang ng marami. Sa sarili mo, ang totoo ay nalilito ka sa kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-31-36-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nag-uumapaw ang damdamin mo sa pagmamahal. Ang payo ay ihayag mo ang nadarama mo. Ito ang tunay na susi ng kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-29-30-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maging alerto ka sa kakayahan mo sa pananalapi. Ang kaligayahan ay napapalitan ng kalungkutan kapag walang gagastusin sa darating na mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-14-26-24-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang ligaya mo kapag hindi mo pinalaya ang iyong isipan mula sa mga negatibong bagay na naglalabas-pasok sa isipan mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-12-28-30-33.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang maliligayang araw na ito. Huwag mo ring kaligtaan na sa pagiging malaya, ang tao ay tunay na lumiligaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-29-30-38-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantalang ligaya lang ang nararanasan kapag sa darating na mga araw ay problema ang kinakaharap. Huwag mong kalilimutan na maging matalino kung saan isip ang gagamitin mo at hindi ang damdamin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-20-21-33-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa pagtutok lang sa hanapbuhay. Kailangan ding tutukan ang personal na kaligayahan at kung paano liligaya habang kapiling ang minamahal sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-20-25-30-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nananariwa ang mga bulaklak dahil sa halik ng hamog. Ito ang iyong tandaan na ang halik ay mahalaga sa isang tao dahil nakatatanggal din ito ng pagod at hirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-21-28-36-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding. Ikaw ay nananatiling kaakit-akit sa lahat. Ang babala ay nagsasabing mag-ingat ka dahil dumarami ang naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-27-39-40-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago mawala sa loob mo, may mga suwerte ka mula sa malayo. Huwag mong kalimutan na makipag-ugnayan sa mga taong nasa malayo. Gayunman, may suwerte ka rin mula sa nasa tabi mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-20-21-26-38.




Comments