Horoscope | Pebrero 6, 2021 (Sabado)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 6, 2021
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 6, 2021 (Sabado): Magsasawa ka sa sarap ng buhay na paulit-ulit na guguhit sa iyong kapalaran na tila walang katapusan. Kahit sa pagtanda mo, masaya pa rin ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tukso ang nasa likod mo, tukso rin ang nasa kaliwa at kanan mo. Pero sa harapan mo, naroon ang pangako ng magandang buhay kaya magpatuloy kang hindi lumilingon sa mga tukso. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi pa sapat ang magandang buhay mo kung langit ang tatanungin. Padadalhan ka pa ng magagandang kapalaran nang malubos ang iyong kagalakan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-11-17-24-27-36-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Inspirasyon ang makukuha mo sa bagong kakilala. Pakaingatan mong mahulog ang loob mo dahil muli, inspirasyon lang siya sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-14-15-23-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Muling nagbalik ang malakas mong karisma. Maaakit sa iyo ang sinumang mapalapit sa iyo. Kung magagawa mo, piliin mo lang ang iyong mga puwedeng lumapit at iyong lalapitan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-17-20-25-38-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi iiral ang mga suwerte mo hanggang sa magsarili ka at ‘di na umasa sa iba. Nakamasid ang langit at naghihintay na makawala ka sa nakaraan nang masimulan na ang iyong bagong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-21-26-32-34-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Malakas ang pang-akit ng taong may talas ang isip. Nakagagayuma ang taong matalino at maraming nalalaman. Ikaw ay kabilang sa mga nasabing nilalang. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-14-16-20-25-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli, binigyan ka ng pribilehiyo na hawakan ang iyong kapalaran. Pagbutihin mo dahil ang ibig sabihin nito ay magagawa mo ang anumang gusto mong gawin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-16-21-23-26-31.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantala, ang tao ay nabubuhay sa kanyang sarili lamang. Pero hindi magtatagal ay maghahanap siya ng magpapasaya sa kanya. Para sa iyo, ito ay ngayon na. Muli, ngayon na! Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-11-18-22-28-39-46.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Ito ang isa sa pinakamabisang pormula ng pagpapayaman. Huwag kang tumulad sa iba na nilulustay ang kanyang kabuhuyan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-19-21-24-26-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang malito sa kung sino ang seryoso sa iyo. Sinusubukan ang talas ng espada sa init apoy at lamig ng tubig. Ipakita mo ang hindi maganda sa iyo, kung sino ang manatili, siya na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-14-28-30-37.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malalim ang salita ng tunay na hula. Pero sa iyo, ngayon ay simpleng-simple lang at madaling maunawaan dahil sinasabing ang mga suwerte ay magsisilapit mismo sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-12-25-21-29-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang maniwala sa salita nang salita dahil ang mga mandaraya ay walang tigil sa kasasalita, sobrang kulit at mapagpilit. Mag-ingat ka dahil sila ay magdaratingan sa iyong buhay ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-14-16-27-34-40.




Comments