Horoscope | Oktubre 16, 2026 (Biyernes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | October 16, 2026

Sa may kaarawan ngayong Oktubre 16, 2026 (Biyernes): Paminsan-minsan, kailangan mong lumayo sa iyong lupang sinilangan dahil marami-maraming suwerte ang naghihintay sa iyo sa ibang lugar.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag ka nang maghanap ng katuwiran. Ang bawal ay bawal. Kaya ito ipinagbawal dahil hindi ito makabubuti. Sa panahong ito ng iyong buhay, huwag kang gagawa ng bawal upang hindi ka mapahamak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-21-24-26-37.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mataas ang kakayahan mong makalikha ng mga ideyang mapapakinabangan sa negosyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-29-33-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag kumilos ang kakumpitensiya mo, kumilos ka rin. Huwag kang magpabaya upang hindi ka maiwan at mapahiya. Ito ang mensahe sa iyo ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-13-16-28-30-41.
CANCER (June 21-July 22) - Kung mayroon ka, tumulong ka. Kung wala ka naman, huwag ka nang gumawa ng paraan para lamang masiyahan at mapagbigyan ang ibang tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-20-26-32-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ingatan mo kung ano ang mayroon ka. Rito sa mundo, ang hawak mo ay ang puhunan mo. At ang may puhunan ay mabilis na umaasenso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-14-22-27-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Gamitin mo ang kakayahan mo sa pagkukuwenta. Tandaan mo, ang isa ay nagiging dalawa, at ang dalawa ay nagiging tatlo. Sa ganitong paraan, lalago ang iyong kabuhayan at ang matamlay mong negosyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-11-16-29-31-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Paulit-ulit lamang ang nangyayari sa buhay ng tao kapag inuulit din niya ang kanyang mga pagkakamali. Kaya kahit mahirapan ang iyong damdamin, magbago ka ng istilo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-10-15-28-37-45.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mula sa mga kaibigan, nakakakuha ng lakas ang nanghihina. Hindi puwedeng ikaw lamang ang nakakaalam sa iyong pinagdaraanan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-21-35-39-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Higpitan mo ang kapit sa sarili mo. Magtiwala ka na ang mga katangian mo ang magdadala sa iyo sa puntong abot-kamay mo na ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-28-31-38-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nadudulas ang mabilis magsalita. Abangan mo ang gusto mong malaman mula sa isang taong walang tigil sa pagkukuwento. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-11-20-29-33-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling babalik ang mga umalis, at ngayon din nila pagsisisihan ang kanilang nagawa. Kaya ipanatag mo ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-14-22-32-35-44.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Itutok mo ang paningin mo sa malayo. Gawin mo ito dahil sa malayo ay mas lalago ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-1-13-23-27-36-40.



Comments