Horoscope | Pebrero 2, 2025 (Linggo)
- BULGAR

- Feb 2
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Feb. 2, 2025

Sa may kaarawan ngayong Pebrero 2, 2025 (Linggo): Hinahangaan ka ng langit dahil sa iyong kabaitan. Kaya naman, manatili kang mabait upang patuloy kang pagkalooban ng magagandang kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahalin mo sila, tulad na lamang ng pagmamahal nila sa iyo. Ito ang gawin mo ngayon. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-19-23-28-31-55.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pahalagahan mo ang iyong sarili. Kumbaga, sarili mo muna ang unahin bago ang ibang tao. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-18-27-34-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Deserve mo ngayong sumaya. Huwag mong balewalain ang mga pagkakataong madama mo ang tunay na pagmamahal. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-15-17-22-35-41-48.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang judgemental. Ibig sabihin, iwasan mong pagkumparahin ang mga iba’t ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-10-18-29-36-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Nasa paligid mo lang ang iyong suwerte. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-12-15-26-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ihanda mo na ang iyong bulsa, dahil hindi mo ngayon matatanggihan ang mga taong nag-aalok sa iyo na mamasyal sa magagandang lugar. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-9-14-21-27-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Dahil sa nakakabighani mong aura, kahit saan ka pa magpunta, tiyak na may maaakit sa iyo at puwede mo pa itong magamit bilang gayuma. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-23-30-33-35-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Makipagkuwentuhan ka sa iyong mga kaibigan para sumaya ka, dahil minsan nasa pananahimik ang kalungkutan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-13-15-29-35-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paghandaan mo ang mga kasiyahang darating, dahil du’n ka pupuwedeng magsaya habang kumikita ng malaki. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-2-12-20-22-24-25.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magpakasaya ka! Huwag mong ikulong ang iyong sarili sa kalungkutan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-16-19-23-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag inaya ka nila, huwag kang papayag na ikaw ang gagastos. Dapat sila ang maglabas ng pera, dahil sila ang may kailangan sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-10-15-20-27-30.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makinig ka sa mga taong nalugi sa negosyo, dahil nasa kuwento nila ang susi para yumaman ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-24-26-32-38.






Comments