top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Pebrero 2, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 2, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 2, 2021 (Martes): Kakaiba ang kabutihang ipinakikita mo sa tao. Kaya kamangha-manghang mga suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit, higit lalo sa taong ito ng 2021. Ito ang mensahe ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong kalimutan ang mga nakatutulong sa iyo, lalo na sa panahon ng iyong mga kagipitan. Yayaman ka at ang obligasyon mo ay balikan sila at iyong pasalamatan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-11-15-20-31-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tatalunin ka ng awa. Dati nang nangyari sa iyo ang ganito at ngayon na muling mauulit. Walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili mo sa maling awa na iyong ipinakita. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-18-20-21-34.


GEMINI (May 21-June 20) - Hindi masama ang maging mapagbigay, pero kung ang muling pagbibigyan ay alam mo namang wala sa lugar, ang mangyayari nito sa huli ay pagsisisi lang ang iyong mapapala. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-18-23-28-34-41.

CANCER (June 21-July 22) - Hawak mo ang iyong kapalaran ngayon. Ito ay isang magandang oportunidad kung magagamit mo nang mabuti. Pero kung hindi naman ay kabaligtaran ang iyong sasapitin. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-5-15-20-35-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kinakapos dahil sa maling paggastos. Masaya ang buhay kapag nasa ayos ang lahat. Hindi dapat walang plano ang buhay mo at kung may plano na ay dapat sunding mabuti. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-18-20-28-31-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Babagal ang ikot ng iyong mundo dahil kailangan mo nang talunin ang mga negatibong pananaw na labas-pasok sa isip mo. Ang mga ito mismo ang hadlang sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-18-21-29-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong pansinin ang mga kontrabida sa buhay mo. Ang asikasuhin mo ay kung paano matutupad ang mga pangarap mo na noong musmos na bata ka ay pinangarap mo na. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-17-20-21-29-33.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong isip. Isip ang nakakaalam kung ano ang tama at mali. Ang kailangan mo ngayon ay paraan kung paano maitutuwid ang mali sa buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-18-20-27-35.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mahalaga kung maabot ng tao ang tagumpay dahil ang tunay na importante ay maligaya ba sa kung ano ang narating? Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-23-31-37.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi bigo ang patuloy na lumalaban. Ang kabiguan ay para lang sa mga suko na at ang huwag mong kalilimutan ay bumibigay ang langit sa taong mapagpilit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-12-24-37-40-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang lumaban nang harapan. Ang pinakamaganda ay ang magkunwari kang mahina pero lihim kang kumikilos para ang mga kaaway mo ay mabilis na magsibagsak. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-18-20-21-28-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dito sa mundo, ang nauna ay ang unang natatalo. Ang huli na susugod ang mananalo. Sa unang banggaan, nanghihina ang naglaban. Ang huling halakhak ay para sa nasa hulihan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-14-16-27-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page