top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Pebrero 18, 2021 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 18, 2021



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2021 (Huwebes): Yayaman ka at ito ay ginagarantiyahan ng iyong kapalaran. Mahalin mo ang mga kapus-palad dahil ang mga suwerte nila ay napunta sa iyo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Unahin mo ang paghahanda sa iyong kinabukasan. Huwag kang tumulad sa iba na sa kasalukuyan nabubuhay dahil sa huli, makikita nilang ang kinabukasan pala ay dapat pinaghahandaan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-18-20-24-39-43.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kahit mabagal ang pagong, siya ay umaabante pa rin. Talo niya ang mga taong mabilis, pero wala namang direksiyon ang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-10-12-25-30-37-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong sayangin ang hawak na ng iyong mga kamay dahil mas magandang dagdagan mo pa ito. Ang pagbabawas, lalo na sa kabuhayan ay bukas na pintuan sa kahirapan sa kinabukasan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-15-16-18-29-31.


CANCER (June 21-July 22) - Matamis ang bunga ng punong-kahoy at ito ay kailangang akyatin para matikman. Kung mahirapan ka, ibig sabihin, sa huli ay matitikman mo ang bunga ng iyong pinaghirapan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-20-23-35-46.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kaya lang gumaganda ang isang pelikula ay dahil sa mga kontrabida. Magpasalamat ka sa mga kontrabida sa buhay mo dahil pagagandahin nila ang iyong kasaysayan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-8-14-15-21-23-32.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Papayaman ka na. Ito ang ibig sabihin ng biglaang sigla na iyong nadama. Ito rin ay nagsasabing kikilos ka ayon sa pangarap mo, kaya ang iyong mga kahinaan ay hindi magsisilitaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-21-23-37-40.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakatutuwa ang mararanasan mo dahil kikilos ang mga lantad at lihim mong kaaway, pero sa bawat pagkilos nila ay hindi nila namamalayang mas gumaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-22-24-27-34.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi man kalakihan at karamihan ang mga suwerteng darating, ito ay sapat na para masabi mong ang langit ay nakikinig sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-14-19-20-26-36-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dahan-dahang umaabante ang buhay. Matuwa ka dahil ang mabilis na pagyaman ay panandalian lang kung saan ito ay parang malakas na buhos ng ulan na hindi naman nagtatagal. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-17-21-28-31-33.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tutukan mo ang pagpapalago ng iyong kabuhayan dahil ang panahon ngayon ay para rito. Mas maganda na ang iba pang aspeto ng buhay mo ay pansamantalang isantabi. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-21-25-27-34-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Madarama mong hindi ka gaanong mahalaga sa dating nagpapahalaga sa iyo nang labis. Huwag mo itong masamain. May ibang kailangan tutukan ang taong iyong pinagtatampuhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-21-23-30-37.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo naman kailangan ang tulong ng iyong kapwa, pero ikaw ay kailangan nila dahil kapag wala ka, sila ay walang sigla at hindi masaya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-15-24-41-45.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page