top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Pebrero 15, 2021 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 15, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 15, 2021


Sa may kaarawan ngayong Pebrero 15, 2021 (Lunes): Si Venus ang naghahari sa iyong kapalaran. Siya ang diyosa ng kagandahan at dahil dito, hindi ka lang magiging maganda, bagkus, gaganda rin ang buhay mo at ang iyong kapalaran sa buong taong ito ng 2021.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbalikan sa harapan mo ang mga tukso, kaya dapat ay magpakatatag ka. Sa lahat ng klase ng nagpapabagsak sa buhay ng tao, tukso ang pinakamapusok, mapagpilit at mahirap talunin. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-19-22-27-30-34.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hawak mo ngayon ang barahang alas. Kung lalaban ka, ikaw ay mananalo. Kung hindi ka naman makikipagsapalaran, matutulad ka lang sa malakas pero walang saysay ang lakas. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-9-15-18-20-25.


GEMINI (May 21-June 20) - Sobrang nakakaakit ang iyong mga kilos at pagsasalita. Ibig sabihin, magkakabisa sa iyo ang malakas na gayuma kung saan hahanap-hanapin ka ng taong may gusto sa iyo kapag hindi ka niya nakikita. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-16-25-27-34-36.


CANCER (June 21-July 22) - Gamitin mo ang kakaibang karisma dahil sayang ito kapag hindi mo pinakinabangan. Huwag mong kaligtaan na rito sa mundo, ang pinakamahalaga ay ang magandang kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-26-33-35-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nabubuhay ang tao sa kanyang mga pangarap. Kaya mag-ingat ka sa mga walang ambisyon at kahihinatnan. Muli, mag-ingat ka dahil may mga taong dumidikit sa iyo pero walang pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-18-21-23-30-38.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ngayon ka na magsikap dahil kasalukuyan ang nagsasabi kung ano ang magiging hinaharap. Kung ano ka ngayon, ‘di ba bukas ay ganu’n ka rin? Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-15-20-29-30-34.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magagandang kapalaran ang noon pa inilaan sa iyo ng langit. Ang isa pang masayang balita ay nagsasabing mula ngayon ay mag-uunahan nang dumapo sa iyo ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-10-15-17-24-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mapasasaiyo ang hindi mo pinagsikapang kunin. Noon pa naman ay ganito na ang iyong kapalaran kung saan may mga bagay na napasasakamay mo kahit hindi mo pinag-iinteresan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-12-23-39-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Parang mga bala ng ligaw na baril ang bibitiwan mong mga salita dahil may mga tatamaan at lihim na masasaktan. Ito mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-27-29-35-41.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi malaya ang tao dahil hindi niya kayang kontrahin ang batas ng kalikasan. Ikaw ay tao, isang taong iibig sa gusto o ayaw mo. Muli, walang kalayaan ang tao sa mundo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-11-14-25-34-37.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Gamitin mo sa tama ang matatanggap mong mga bagay. Ang pera sa negosyo ay para sa negosyo. ‘Wag kang tumulad sa iba na kung saan-saan ginagamit ang pangnegosyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-16-21-26-35-39.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magsaya at maglibang ka. Huwag mong pakinggan ang iba na ang pagsasaya at paglilibang ay pag-aaksaya lang ng oras. Ang sobrang seryoso sa buhay at hindi naglilibang ay mas madaling dapuan ng karamdaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-7-16-22-24-31-36.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page