top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Pebrero 14, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 14, 2021


SA MAY KAARAWAN NGAYONG PEBRERO 14, 2021 (Linggo): Makulay ang iyong kapalaran. May kulay ng dilim na para sa kabiguan at may makislap na kulay ng tagumpay, pero ang mamamayani ay kulay ng masaganang buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka dapat malibang sa ningning ng iyong magandang buhay. Huwag mong kaligtaan ang kasalukuyan at paghahanda sa kinabukasan at hindi sa pagsasaya nang tila walang katapusan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-14-19-25-34.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumapit ka sa katangian mo na isang matatag at matibay na nilalang. Lumayo ka sa mga taong alam mong makasisira ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-15-16-29-32.


GEMINI (May 21-June 20) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang mga suwerteng mapasasaiyo. Sa ganitong paraan, ang magagandang bagay ay dadaloy sa buhay mo na parang ikaw lang ang palaging binubuwenas. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-17-21-26-28-30.


CANCER (June 21-July 22) - Mag-ingat ka dahil lalapit sa iyo ang mag-aalok ng mabilisang pagkita ng pera. Huwag kang makalimot na rito sa mundo, mandaraya lang ang nagsasabi na yayaman ka nang walang hirap. Masuwerteng kulay-voilet. Tips sa lotto-15-19-28-30-31-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Mahirap paniwalaan na rito sa mundo, ang masarap kausap ay mapanlinlang kung saan aakalain mo na sasarap din ang buhay mo sa kanya, pero ang totoo, kabaligtaran pala ang sasapitin mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-20-24-33-41-46.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit pintasan ka nang pintasan, tama ang iyong pagiging masinop at mapagpahalaga sa mga nasa iyo na. Ang namimintas ay ang mga taong lalapit sa iyo upang humingi ng tulong. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-13-16-18-21-25-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Napakalakas ng iyong karisma dahil sa mga kilos mong nagbibigay-saya sa mga makakapansin. Mahihirapan kang layuan ang ilan sa mga ito dahil sila ay parang iyong nagayuma. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-14-19-20-23-31-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Doble-doble ang kita mo, kaya doble-doble rin ang iyong saya. Mag-ingat ka na mabiktima ng nananamantala na ang gusto lang ay ang makikinabang sila sa suwerte mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-21-25-27-30.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ngayon ang tamang panahon para simulan ang isa pang puwede mong pagkakitaan. Huwag kang mangamba dahil muli, ngayon ang tamang panahon para sa dagdag na pagkakakitaan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-26-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tanggapin mo ang alok na makibahagi sa bagong negosyo na kumikita. Malaki ang iaangat ng buhay mo kapag nagkaroon ka ng tapang at lakas ng loob para makipagsapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-17-21-27-30-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Litung-lito ka dahil sa sobrang saya. Mawawala rin ang pagkalito mo kapag napanatag na ang pangyayari kung saan makikitang nagpapakasasa ka sa sarap ng buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-9-14-16-20-23.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madarama mo na parang kumakati ang mga paa mo at inuutusan kang mamasyal. Gawin mo ito dahil sa iyong pamamasyal, mananariwa at gaganda ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-12-28-38-40-45.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page